Awtomatikong extended ng isa pang taon ang mga permit to stay ng sinumang nawalan ng tahanan o trabaho matapos ang mapinsalang lindol noong nakaraang Mayo. Narito ang mga lungsod kung saan ito ipinatutupad.
Roma, Agosto 27, 2012 – Kabilang sa mga mabilisang kilos para sa mga lugar na hinagupit ng lindol tulad ng probinsya ng Bologna, Modena, Ferrara, Mantova, Reggio Emilia at Rovigo noong May 20 at 29, 2012 (batas 122/2012) ay nabibilang din maging ang mga imigrante. Nasasaad na sa mga lungsod (na nasa ibaba) kung saan residente ang mga imigrante, ang kanilang mga permit to stay na balido hanggang Dec 31, 2012 ay awtomatikong extended ng 12 buwan kahit kasalukuyang walang trabaho o walang tahanan dahil sa lindol.
"Ang mga imigrante na naninirahan o nagtatrabaho ng regular sa lugar na nasalanta ng lindol, bukod sa pinsala ng kalamidad, tulad ng lahat ng mga residente, ay nanganganib na mainsulto sa pamamagitan ng pagtatanggal ng karapatang manatili sa bansa”, ayon kay Delia Murer , ang DP deputy na nangunang ipaglaban ang extension ng mga permit to stay.
“Hindi lamang iilan sa kanila ang nawalan ng tahanan at trabaho. Nawalan din sila ng sahod at matitirahan at dahil dito ay maaaring matanggal sa kanila ang kanilang mga permit to stay, kasama ang bangungot na malugmok sa pagiging irregular, sa isang lugar na walang karapatan, walang proteksyon, angkop na integrasyon para sa kanilang mga pamilya, para sa kanilang mga anak, na karaniwang sa Italya ipinanganak, na ganap na bahagi ng komunidad.
Ayon sa kinatawan ng PD, ang extension ay "isang tagumpay”. “Ito ay nagpapahintulot sa mga imigrante – dagdag pa nito – upang pansamantalang makahinga. Ang kanilang mga permit to stay ay awtomatikong mare-renew para sa 12 buwan upang tulad ng ilang biktima ng lindol ay muling simulan ag kanilang pamumuhay”.
Narito ang mga Comune na nasalanta ng lindol kung saan ipinatutupad ang extension ng mga permit to stay.
Provincia di Bologna 1. Argelato 2. Baricella 3. Bentivoglio 4. Castello d'Argile 5. Castelmaggiore 6. Crevalcore 7. Galliera 8. Malalbergo 9. Minerbio 10. Molinella 11. Pieve di Cento 12. Sala Bolognese 13. San Giorgio di Piano 14. San Giovanni in Persiceto 15. San Pietro in Casale 16. Sant'Agata Bolognese Provincia di Ferrara 1. Bondeno 2. Cento 3. Mirabello 4. Poggio Renatico 5. Sant'Agostino 6. Vigarano Mainarda Provincia di Modena 1. Bastiglia 2. Bomporto 3. Campogalliano 4. Camposanto 5. Carpi 6. Castelfranco Emilia 7. Cavezzo 8. Concordia sulla Secchia 9. Finale Emilia 10. Medolla 11. Mirandola 12. Nonantola 13. Novi 14. Ravarino 15. San Felice sul Panaro 16. San Possidonio 17. San Prospero 18. Soliera Provincia di Reggio Emilia 1. Boretto 2. Brescello 3. Correggio 4. Fabbrico 5. Gualtieri 6. Guastalla 7. Luzzara 8. Novellara 9. Reggiolo 10. Rio Saliceto 11. Rolo 12. San Martino in Rio 13. Campagnola Emilia Provincia di Mantova 1. Bagnolo San Vito 2. Borgoforte 3. Borgofranco sul Po 4. Carbonara di Po 5. Castelbelforte 6. Castellucchio 7. Curtatone 8. Felonica 9. Gonzaga 10. Magnacavallo 11. Marcaria 12. Moglia 13. Ostiglia 14. Pegognaga 15. Pieve di Coriano 16. Poggio Rusco 17. Porto Mantovano 18. Quingentole 19. Quistello 20. Revere 21. Rodigo 22. Roncoferraro 23. Sabbioneta 24. San Benedetto Po 25. San Giacomo delle Segnate 26. San Giovanni del Dosso 27. Schivenoglia 28. Sermide 29. Serravalle a Po 30. Sustinente 31. Suzzara 32. Villa Poma 33. Villimpenta 34. Virgilio Provincia di Rovigo 1. Bagnolo di Po 2. Calto 3. Canaro 4. Canda 5. Castelguglielmo 6. Castelmassa 7. Ceneselli 8. Ficarolo 9. Gaiba 10. Gavello 11. Giacciano con Baruchella 12. Melara 13. Occhiobello 14. Pincara 15. Salara 16. Stienta 17. Trecenta