Roma, Agosto 31, 2012 – Roberta Stanig, ito ang pangalan ng nurse na diumano’y nagkamali at napagpalit ang pagkakabit ng suwero ng sanggol na si Marcus at naging sanhi ng pagkamatay nito noong June 29 sa San Giovanni Addolorata hospital sa Roma.
“Imposible ang ako ay magkamali”, ito ang iginigiit ng suspect kay Prosecutor Frisani noong nakaraang Augost 27. “Dalawampung taon ko ng ginagawa ang trabahong ito. Dalawa ang feeding tubes ng sanggol, ngunit ang isa dito ay mayroong kulay berdeng palatandaan. Sigurado akong hindi ako ang nagkamali at imposible ang magkamali sinuman. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos o bago ang aking trabaho”, ito ang mga binitawang salita ng suspect na nurse, na tulad din ng binibitawang salita ng ibang suspects, “walang nangyaring pagkakapalit ng anumang suwero”.
Samantala, ang inaasahang paglabas na risulta ng ikatlong awtopsiya sa katawan ng sanggol ayon sa prosecutor ay sa Setyembre na ilalabas.