Bove (CISL): "Ang Sanatoria ay masyadong mahal, maraming mga employer ang hindi magsusumite ng aplikasyon at sa kasamaang-palad, ito ay naka depende lamang sa kanila." Assindatcolf: "Ang mga pamilya ay disoriented, sa lalong madaling panahon ang dekreto ng mga detalye"
Roma – Agosto 31, 2012 – Maraming mga hadlang, ngunit marami ding alinlangan ukol sa regolarizzazionen darating.
"Walang malaking masa tulad noong nakraang 2009 na humihingi ng impormasyon. Tila maraming pag-aatubili at mga pag-iingat. Malaking halaga ang katumbas ng darating na Sanatoria at karamihan ng lumalapit sa amin ay sinasabing ag kanilang employer ay ayaw magsumite ng aplikasyon, kwento sa stranieriinitalia.it ni Maurizio Bove, ang responsabile sa Imigrasyon ng Cisl sa Milan.
Muli, ang lahat ng ito ay nasa kamay ng mga employer. "At kung, matapos isumite ang apliaksyon at hindi makumpleto ang proseso ng regularization, ay walang proteksyon para sa mga manggagawa," dagdag pa ng unyon. "ganito rin noong 2009, kami ay nagsampa ng 50 kaso ng ganitong uri at ang mga worker hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng permit to stay”.
Ano ang mga katibayan?
Ang pinaka-madalas na tanong sa mga windows ng Cisl? “Anu ano ang mga balidong dokumento na magpapatunay ng presensya sa Italya ng Dec 30, 2011. Sa kasalukuyan, kami ay limitado sa sagot na maaari itong foglio di via, verbale ng pronto soccorso, timbro sa pasaporte sa pagpasok sa Italya, ngunit ang ilang katibayan ay nananatiling malaking katanungan. Noong 1998 ay tinanggap maging ang mga association membership card , na naging sanhi ng kaguluhan.
Ayon sa pinakahuling draft, kahit na ang lalabas na dekreto ay hindi ito tinalakay. At ang kawalan ng indikasyon buhat sa itaas ukol sa dokumentasyon tatanggapin buhat sa tanggapang publiko, na nabanggit sa batas, ay malaki ang panganib na ang lahat ay ipagkakatiwala sa pagpapasya ng mga tanggapan na susuri sa mga aplikasyon, sitwasyong pangkariwan sa Italya at isang nakakapangambang sitwasyon sa mga aplikasyong tatanggihan.
Ayon kay Bove ang problema ay malala. "Kung ganito ang panuntunan, ang pagiging regular ng dayuhan ay isang swerte na lamang… kung na admit sa emergency o dahil nabigyan ng foglio di via. Lahat ng ito habang ang kasalukuyang batas, tulad ng nasasaad sa Security law ay nagsasabing ang mga walang permit to stay ay dapat na lumayo sa mga tanggapang publiko. “Ang dalawang bagay ay magkasalungat”.
May panganib na isang maliit na bahagi lamang ng mga manggagawa ang maaaring magkaroon ng access sa nalalapit na Sanatoria. "Ang aming hinala – dagdag pa ng exponent ng CISL – ay maaaring magkaroon ng isang mabagal na simula, na bibilis sa bandang huli. Ngunit ang mga ito ang mga kahina hinalang mga aplikasyon, mula sa mga last minute employer, na maaaring mataas pang halaga ang kapalit”.
Assindatcolf: "Narito naman ang mga alalahanin ng mga pamilya"
Ang mga alinlangan ay bumabagabag din sa mga pamilya na nais mag-ayos sa sitwasyon ng mga colf, care giver at mga babysitter. Ang asosasyon ng mga domestic workers Assindatcolf, ay gumawa ng talaan ng mga katanungan ayon sa mga tawag sa telepono, ang 78% ng mga tumawag ay nagtatanong ukol sa kondisyon ng presensya ng aplikante sa Italya mula Dec 31, 2011 at kung paano ito mapapatunayan.
Ang karamihan ay nagtatanong ukol sa kontribusyon ng 1,000 euros (68%), at tinatanong kung ang halaga ay maibabalik pa sa employer kung sakaling tanggihan ang aplikasyon at kung kailangan din ang pagbabayad ng kontribusyon sa Inps. Ang 56% naman ay nagtatanong ukol sa panahong kinakailangan, ang 54% naman ay nagtatanong ukol sa sahod at uri ng kontrata at 49% naman ukol sa domestic jobs.
Hindi rin mawawala ang ang katanungang legal kung sakaling tanggihan ang declaration of regularization (43%), ang ilan naman ay nagtatanong ng mga payo kung ang sitwasyon ng worker at ng employer ay hindi maaaring ma-regularize (32%).
Gayunpaman, binigyang diin ng Assindatcolf na ang interministerial decree na pinakhihintay sa mga panahon ngayon (dapat na pinagtibay noong nakaraang Agosto 29) ang magbibigay linaw sa lahat ng mga katanungan at alinlangan.