Ang mga employer ay dapat magbayad ng 1,000 euro para sa bawat manggagawa. Narito ang "form f24" at ang gabay sa pagpi-fill up nito.
Roma – Setyembre 4, 2012 – Mula sa Biyernes, September 7, ang mga employer ay maaaring bayaran ang kontribusyon (contributo forfetario) para sa regularization ng mga dayuhang manggagawa. Isang mahalagang hakbang sa pagsusumite on line, mula Sept 15 hanggang Oct 15, ng application of regularization.
Ang kontribusyon ng 1000 € bawat manggagawa, ay maaaring bayaran sa anumang branch ng collection agency, mga accredited banks o sa mga post office gamit ang form f24 Versamenti con elementi identificativi. Ito ay dapat sagutan gamit ang indikasyon buhat sa Agenzia dell’Entrate, ang pangalan ng employer at ng worker, ang halaga at ang code ng pinagbayaran.
Sa ibaba ay maaaring i-download ang form at ang instruction kung paano ito sasagutan. Narito rin ang dalawang sample, buhat pa rin sa Agenzia dell’Entrate na nagpapaliwanag kung paano sasagutan ang bawat katanungan, para sa domestic job (ang code na gagamitin ay ang REDO), at para sa lahat ng iba pang subordinate job (ang code ay ang RESU)
Modello f24 Versamenti con elementi identificativi
Avvertenze per la compilazione
Fac simile datore di lavoro domestico (colf, badanti, babysitter…)
Fac simile datore di lavoro non domestico