in

Inps – “Mahalaga ang gawing regular ngunit mas mahalaga ang panatilihing mayroong trabaho”

"Pito sa bawat sampung kontrata ang tuluyang nawala sa Sanatoria ng 2009, isang pagkabigo. Nananawagan ako sa mga employer”.

Roma – Setyembre 5, 2012 – "Sa tuwing magkakaroon ng Sanatoria o Regularization ay hindi mahalaga ang manpower, ngunit ang i-regularize ang lahat ng kasalukuyang nasa Italya na: isang bagay na positibo at sinasang-ayunan ng lahat. Mahalaga ang gawing regular ngunit mas mahalaga ang panatilihing mayroong trabaho".

Si Antonio Mastrapasqua, ang president ng INPS, ay nagbababala na ang regularization ay magkakaroon lamang ng tunay na kahulugan kung ang mga trabaho na ginawang regular ay hindi matatapos sa pagkakaloob ng permit to stay sa mga manggagawa.

Ito ay mapanganib, tulad ng mga ipinapakita ng mga datas sa regularization ng mga domestic workers at care givers noong 2009. "Nagkaroon ng 235,000 sa nakaraang regularization – pagpapa-alala pa ni Mastrapasqua – isang malaking bilang, naging regular ang napakaraming worker na hanggang sa mga panahong iyon ay ‘in nero’. Ngunit noong June 2012, 70% ng mga ito ang tila bulang naglaho at nanatili lamang ang 30%. Malamang na ang mga manggagawa ay muling bumalik sa dating sitwasyon bilang irregular”.  

"Ito – dagdag pa ng presidente – ay isang pagkabigo sa pagpapatupad ng mga patakaran. Nangangailangan ng isang uri ng pagsusuri upang maiwasan na ang benepisyo para sa mga manggagawa ay maging isang malaking pagkakaton para sa employer na hindi bayaran ng sapat ang manggagawa tulad ng nararapat, matapos ang lahat ay mawawalang bisa ang lahat ng pagsusumikap ng pamahalaan at maging ng worker”.

Sa domestic job ay mas mahirap matuklasan ang pagiging irregular. "Ang Inps – dagdag pa ni Mastrapasqua – ay hindi maaaring pumunta sa mga tahanan at magsuri. Ang aking panawagan ay isang makabayang pananaw ng bawat isa: isipin na lamang ang mga inspectors ng Inps na kumakatok sa inyong mga pinto ay isang malungkot na paalala sa inyong mga budhi at ako ay na naniniwala naang lahat ay mayroon nito kahit man lamang sa loob ng apat na sulok ng mga tahanan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Hindi kabilang ang mga self-employed

‘SAMA SAMA’ o Stiamo Insieme – La prima festa dei cittadini Filippini di Modena