Nagkakahalaga ng 80,000 euros ang 200 gr ng shaboo na sinikwestro ng awtoridad kahapon. Bawat dosage, 0,1 gr ay nagkakahalaga ng 50 euros.
Roma, Setyembre 11, 2012 – Isang appartment sa Ponte Milvio, Rome, ang naging 'pugad' sa ginawang raid kahapon. Dito, ang mga kliyente, mula 18 hanggang 22 yrs old, ay bumibili ng shaboo sa pamamagitan ng tawag sa telepono, pagkatapos ay kukunin ang produkto sa tahanan ng nagbenta.
Ito ang paraan upang makaiwas sa mga militar na umaresto sa 13 pusher noong nakaraang taon. Limitado ang pagbebenta sa mga kilalang kliyente lamang o sa pamamagitan ng bayarang driver o taxi. Sa iba’t ibang paraan itinatago ang ipinagbabawal na gamot, sa loob ng yogurt, sa loob ng inihaw na manok, sa loob ng tinapay at maging sa loob rin ng mga cellular phones.
Ayon sa mga report, buhat sa ilang kapitbahay nanggaling ang mga kahina-hinalang kilos sa loob ng appartment at dito nagsimula ang survellaince.
“Sa loob ng isang taon ay malaking halaga rin ang aking naubos, kwento ng isang dalaga, 25 taong gulang ng gumamit ng shaboo sa nakaraan – sa Roma, ang mga Pilipino lamang ang mayroon nito, sila ay maingat at dinadala ang kliyenteng kakilala lamang sa kanilang tahanan matapos bentahan ang mga ito".