Karagdagang paglilinaw mula sa Ministry of Interior ukol sa procedure. Hindi kailangang pirmahan ang contratto di soggiorno ng sinumang mabibigyan ng nulla osta.
Roma, Setyembre 14, 2012 – Isang araw bago ang pinaka hihintay na click day, ilang napaka mahahalagang paglilinaw ukol sa procedure ng regularization na sisimulan bukas Sept 15 hanggang Oct 15, 2012.
Ang Interior Ministry, sa pamamagitan ng Circular 400/C/2012 ng Setyembre 12, ay nagbibigay ng mga tagubilin ukol sa pagpapatakbo ng regularization sa mga Questura ngunit ang evaluation ng kawalan ng employer at/o ng worker ng mga hadlang sa regularization ay pangunahing tungkulin naman ng Sportello Unico per l’Immigrazione.
Ang unang paglilinaw ay ukol sa kumpirmasyon ng mga institusyon ng sinumang maaaring makinabang sa regularization. Kabilang rin ang mga non-EU nationals na permit to stay holders na hindi nagpapahintulot, o nagpapahintulot sa paraang parsyal lamang, na magtrabaho (hal. Permit to stay sa pag-aaral, pagpapagamot, katarungan, political asylum, etc..)
Ang circular ay naglilinaw sa mga hadlang kaugnay sa sanatoria, employer at mga worker. Tulad ng mga nabanggit na excluded ang sinumang kinasuhan ng iba’t ibang uri ng krimen o ang pagiging panganib sa lipunan. Ang Questura ay kailangang magbigay sa Sportello Unico per l’Immigrazione, ng lahat ng mga impormasyong mayroon ang tanggapan sa kasalukuyan ukol sa mga dahilan ng exclusion.
Kung ang non-EU national ay pinatalsik dahil sa kawalan ng permit to stay, ang Questura ay babawiin ang deportation order at hindi na kakailanganin pa, mula sa parte ng binigyan ng order, ang maglahad ng formal request of cancelation, tulad sa mga nakaraang regularization.
Sa kaso ng pagtanggi sa application ng regularization, ang employer ay hindi na mananagot pa sa krimeng pinal at administratibo ukol sa nakaraan dahil ang pagtanggi o rejection ay hindi ukol sa employer. Sa halip ay ang worker, ang ino-notify para umalis ng bansa tulad ng nasasaad sa ilalim ng bagong panuntunan sa expulsion.
Kung ang proseso naman ng regularization ay mauuwi sa releasing ng clearance o ng nulla osta at sa pirmahan ng contartto di soggiorno, ang worker ay mabibigyan ng permit to stay para sa trabaho ng isa o 2 taon (depende sa tagal ng kontrata ng trabaho) pagkatapos ay ang pagbabayad ng kontribusyon ng 100.00.
Ngunit hindi kinakailangan pirmahan ang integration agreement o accordo di integrazione dahil ito ay inoobliga lamang sa mga pumasok ng bansa simula March 10, 2012 at ang isa sa mga requirements ng regularization ay ang presensya sa Italya simula noong Dec 31 , 2011, at awtomatikong excluded ang mga ito.