Kung sino ang kabilang at hindi kabilang, ang titirahan, ang mga patunay at ilang partikular na kaganapan sa proseso ng Sanatoria na sinagot ng Ministero dell'Interno.
1) Maaari bang mag-aplay ang isang dayuhan sa sanatoria na binigyan ng order of expulsion o sinampahan ng kaso ng paglabag sa batas ng pagpasok at pananatili sa bansa?
Oo, maaaring mag-aplay ang mga dayuhan na binigyan ng order of expulsion dahil sa paglabag sa batas ng pagpasok at panantili sa bansa. Excluded o hindi kabilang sa Sanatoria ang mga binigyan ng order of expulsion dahil sa motibo ng public order o dahil kabilang sa kategoryang tinukoy sa art. 13 c. 2, lett c) del D.gs. n. 286/1998. Dahil dito, simula 9Agosto2012hanggang sapagtataposngSanatoria ay suspendido rin ang mga penal at administrative case ng mga worker sa paglabag sa batas ng pagpasok at pananatili sa Italya. Ang sospension ay magtatapos lamang kung sakaling ang aplikasyon para sa Sanatoria ay hindi maisumite sa takdang panahon o ang ma-pending ito o ang pagtanggi dito.
2) Maaari bang gawing regular ang isang dayuhan sa kasalukuyang Sanatoria na nagkaroon ng record sa Schegen Informative System na ginawa ng isang bansang miyembro ng EU dahil sa hindi regular na pananatili sa bansang iyon?
Ang pagkakaroon ng record buhat sa ibang Schegen country ay isang dahilan ng exclusion o pagiging hindi kabilang sa Sanatoria.
3) Angemployernanagsumite ng aplikasyon sa nakaraang direct hire at hindi kaylan man kinuha ang nulla osta, sa kabila ng pagiging handa nito, ay maari bang magsumite muli ng aplikasyon?
Maaaring magsumite ng aplikasyon ang mga employer na hindi pa nakakatanggap ng appointment (o convocazione) o kung ang date ng appointment ay makalipas ang petsa ng pagsusumite ng aplikasyon para sa sanatoria. Samantala, kung ang employer naman ay tinawagan para kunin ang nulla osta at hindi sumipot sa araw ng appointment (o convocazione) ng walang balidong dahilan ay hindi maaaring magsumite ng aplikasyon para sa sanatoria.
4) Ang employer, na nagsumite ng aplikasyon sa direct hire, kinuha ang nulla osta, dumating mula Pilipinas ang worker ngunit hindi kinumpleto ang ‘hiring’ at naisyuhan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ang worker, ay maaari bang magsumite ng aplikasyon?
Oo, ang withdrawal sa awtorisasyon (o nulla osta) ng aplikasyon sa direct hire, at ang hindi pagpatuloy ng hiring, ay hindi hadlang upang magsumite ng aplikasyon ng sanatoria ang employer.
5) Posible ba sa kasalukuyang sanatoria, ang ipagpatuloy ng bagong employer ang sinimulang aplikasyon ng ibang employer na nagtanggal sa worker habang naka-proseso ang sanatoria?
Hindi, sa inilarawang kaso ay hindi pinapayagan ang pagpapatuloy sa sinimulan ng ibang employer. Sa halip, ito ay pinapayagan lamang sa kasong sumakabilang buhay ang employer, o dahil sa mabibigat na dahilan (tulad ng paglala ng kalusugan ng employer at naging sanhi ng pagkaka-ospital nito), para sa subordinate job naman, ang pagbagsak ng kumpanya ng nagsumite ng aplikasyon ay maaaring ipagpatuloy ng ibang kumpanya.
6) Maaari bang mag-aplay sa sanatoria ang employer kung ang worker ay kasalukyang mayroong expired na pasaporte?
Oo, ang application ay maaari ring isumite gamit ang mga detalye ng nag-expired na pasaporte o ng anumang katumbas na sertipiko ng pagkakakilanlan, ngunit sa araw ng appointment o convocazione ng Immigration ofiice (Sportello unico), ang worker ay dapat na nagtataglay ng bagong pasaporte o anumang katumbas na dokumento.
7) Anu-anong dokumentasyon ang dapat iharap ng dayuhan sa oras ng appointment sa Immigration Office na may ugnay sa availability ng accommodation o titirahan ng worker?
Ang worker na hindi maninirahan sa employer (non convivente) ay kailangang magsumite ng dokumentasyon na nagpapakita ng availability ng titirahan tulad ng kontrata ng renta ng apartment o ng declaration of hospitality. Bukod dito, ay kailangan ring ipakita ang sertipikasyon ng pagiging angkop ng tirahan (o certificato di idoneità alloggiativa) o ang resibo ng ginawang request ng sertipikasyon.
8) Kailan dapat gawin ang hospitality o paghahayag ng paninirahan (cessione di fabbricato) sa awtoridad ng sinumang tatanggap bilang residente o magbibigay ng hospitality sa worker?
Ang komunikasyon ay dapat gawin 48 hrs mula sa panahong isinumite ang aplikasyon.
9) Maaaring bang gamitin bilang patunay ng pananatili sa Italya mula noong dec 31, 2011 ang mga sumusunod na dokumento: pasaporte na mayroong timbro ng pagpasok mula sa border, dokumentasyon buhat sa pulisya, order of expulsion, medical certificate buhat sa public health center, certificate of school enrollment ng anak ng worker?
Oo, ang mga dokumentasyong nabanggit, pati na rin ang anumang iba pang mga dokumento mula sa publikong tanggapan, ay maaaring tanggapin bilang patunay kung ang petsa sa dokumento ay 2011/12/31 o bago ang petsang nabanggit.