Messina, Setyembre 24, 2012 – Ayon sa report, sina CENA Noel, 50 anyos; CENA Jess Noel, 32 anyos; CENA Cristian,32 anyost at Dionisio Gbunang 52 anyos, ay hinatulan ng pagkakabilanggo.
Ito ang mga pangalan ng apat na Pilipino, pawang mga residente ng Messina, na inaresto ng mga militar ng Compagnia di Messina Centro matapos hatulan ng pagkakabilanggo ng Procura Generale della Repubblica sa Corte d’Appello di Messina.
Ang apat na mga lalaki ay inakusahan ng paglabag sa batas ng ipinagbabawal na gamot. Sa katunayan, ang apat, kasama ang iba pang mga kababayan nito, ay inaresto noong 20 Mayo 2009, matapos mapatunayan ang pagpapapasok at pagbebenta ng bawal na gamot sa bansa sa ginawang masusing imbestigasyon sa tinawag na operation "Batangas", ng pulisya ng Compagnia di Messina Centro.