in

KONGKRETONG AKSYON UKOL SA PROBLEMA SA IMIGRASYON, HANGAD NG OFWs SA D2D

Konkretong aksyon. Kaunlaran ng bayan.  Kaginhawahan ng pamilyang Pilipino.

Rome, Italy – Ito ang ilan sa mga hinahangad ng overseas Filipinos na napili upang humarap sa press conference ng Diaspora to Dialogue (D2D)  2012 na ginagap  sa Rome kamakailan.

Ayon kay Gene Alcantara ng London, nais niyang makita ang kaunlaran ng mga pamilyang naiwan ng Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa.

Maraming dapat pag-usapan sa conference at  sana ay  maging positibo ang maging  outcome nito, ayon kay Trinie ng Canada.

Sinabi  ni May ng Norway na konkretong aksyon ang kailangan at kung kailangan ay sumulat sa Pangulong Benigno Aquino upang malaman nito ang napag-usapan sa conference.

Isang kabataan mula sa Germany, si Ogie, ang  humiling na maipaliwanag sana  kung ano talaga ang layunin nito lalu na at unang beses pa lamang siyang dadalo sa ganitong pagpupulong.

Hinilingi naman ni Dennis ng France na mabigyan maging malinaw  atmalawak ang mga usapin sa imigrasyon upang maging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ibang bayan.

Ang D2D conference ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy, Comune di Roma at Commission on Filipinos Overseas. Layunin nito na matalakay ang mga usapin tunkol sa integrasyong pampulitika at socio-economics at ang reintegrasyon  sa kanilang bansang   tinutuluyan. Mahigit 260 overseas Filipinos ang dumalo sa D2D 2012 conference sa Rome mula sa iba’t ibang parte ng daigdig. Maraming dumalo mula sa Italia kung saan tinatatayang  may 143,000 ang  manggagawang Pilipino.

D2D CONFERENCE, TAGUMPAY

Samanatla, maituturing na isang tagumpay ang Diaspora to Dialogue (D2D) 2012  conference na ginanap sa Rome kamakailan na dinaluhan ng humigit kumulang na 250 overseas Filipinos mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ayon kay Marie Luarca Reyes, chairperson ng  D2D organizing committee at honorary Italy representative ng Commision on Filipinos Overseas,  nagkaroon ng matagumpay na katapusan  ang conference, naging actionable ang mga proposals.

Sinabi ni Reyes na  nagkulang pa ang oras dahil  sa napakaraming katanungan ang mga overseas Filipinos na dumating sa tatlong araw na conference.

Natutuwa naman si Atty. Loida Nicolas Lewis, isang  philanthropist at chairperson ng Global Filipino Diaspora Council sa New York dahil maraming ang nais maipahayag na kanilang hinagpis at  natuto silang maging empowered. Magugulat na lamang ang mga overseas Filipinos sa susunod na gagawing mga hakbang hinggil dito, dagdag pa ni Lewis.

Upang simulan ang layunin ng D2D,  napagkasunduan na magkaroon ng tig – isang kinatawan ang  bawat bansa na dumalo dito. Isang adhoc committee ang nabuo upang  sila muna ang magsisilbing kinatawan ng D2D at  inaasahang magkaroon ng eleksyon sa kanilang hanay kung sino ang magiging pormal na magiging kinatawan ng nito.

Hinikayat ni Fr. Fabio Baggio, director ng Scalabrini International Migration Institute at adviser sa D2D Europe conference, ang mga overseas Filipinos na kumilos para sa kinabukasan ng migrasyon at  namuno sa pagdedeklara ng  commitment ng bawat isa  para sa ikauunlad ng bawat manggagawang Pilipino.

Sinabi  naman  ni Karen Davila, ambassador of goodwill for World Vision, isang nongovernment organization na tumutulong upang mabigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan Pilipino, na ang D2D na binubuo ng maraming Pilipino sa iba’t ibang bansa ay isang malaking pwersa na makakatulong sa mga batang Pilipino na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang education program. Sa halagang P500, pwede nang makapag-aral ang isang batang Pilipino, dagdag pa nito.

Dahil maraming overseas Filipinos ang nais lumahok sa ganitong gawain,  inaasahan ng mga bumubuo ng D2D na mas marami ang lalahok sa susunod ng conference na gagawin sa Pilipinas sa susunod na taon.

Samantala, binigyan naman ng kasiyahan  ang mga partisipante sa pagdalo sa isang fashion show ng isang Filipino designer sa Rome, si  Dia Ates at sa pagdating ni  Rachel Ann Go  at ibang local artists tulad ni Armand Curameng, Kreways, Kayumanggi Dance Troupe sa pamumuno ni D2D special events chairman Dulcie Mendoza. (ni: Raquel Romero Garcia – photos by: Stefano Romano)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

D2D, il secondo giorno

Unang Convention sa Europa, hamon sa mga Pinoy