Arezzo, Oktubre 1, 2012 – Mula nang maorganisa, ang Filipino Association of Arezzo (FCA) ng Arezzo, Italy ay aktibo sa pagsasagawa ng mga magagandang adhikain hindi lamang para sa kanilang mga miyembro kundi maging sa mga iba pang Pinoy sa buong Italya.
“Bukod sa sports at cultural aspects, bibigyan din namin ng pansin na magsagawa ng mga aktibidad para sa spiritual aspect at mga mga programa para sa magandang kapakanan ng aming mga miyembro bilang manggagawa dito sa Italya” saad ni Venus Rabang, ang president ng asosasyon.
Kamakailan ay matagumpay na idinaos ang mga ilang programa ng nasabing asosasyon tulad ng fundraising project na Bingo sa Arezzo at ang One Day League Basketball Tournament kung saan dinaluhan ng mga koponan mula sa iba’t-ibang siyudad tulad ng Ascoli, San sepolcro, Mantova at Arezzo. Bukod sa mga ito, isinasagawa din nila ang lingguhang misa na aktibong dinanaluhan naman ng mga Pinoy sa nasabing siyudad.
Aktibo rin ang mga ito sa pagsali sa mga aktibidad ng mga imigrante sa Arezzo lalo na sa mga aktibidad ng mga Pilipino sa buong Italya. Ipinagmamalaki nila na ang kanilang kandidata na si Bb. Laica Maica Paat ay isa sa mga runner-ups sa katatapos lang na Search for Bb. Pilipinas Italy 2012 na ginanap sa Roma.
Sa ngayon, ang opisyales at mga miyembro ng FCA ay abala sa paghahanda ng kanilang grandiosong programa, ang Quest for Mr. Phillipines Italy 2012 kung saan inaasahang dadaluhan ito ng mga kalahok mula sa iba’t ibang syudad ng Italya. Ito ay mula sa tulong ng Filipino Association of Talents in Europe at ito’y gaganapin sa November 4, 2012 sa Centro Artistico, Corso Italia 108, Arezzo.
“Inaasahan namin na sa pamamagitan ng programa aming mga isinasagawa ay hindi lamang para makatulong kami para sa paghubog ng mga kabataan kundi isa ring magandang okasyon para magkita kita at magkadaopang palad ang mga iba’t ibang kumodidad ng mga Pilipino dito sa italy” pagwawakas ni Rabang.
Ang mga opisyales ng asosasyon ay ang mga sumusunod:President – Venus Alas Rabang; External Vice President – Renato De Vera Yape; Internal Vice President – Edmund Luna Quirit; Secretaty – May ann Rabang; Asst. Sec. – Lirio Arciaga Santos; Treasurer – Lorna Arciaga Santos; Asst. Treas – Amy Arciaga Gutierrez; Auditors – Henly Cuarto, Marilyn Seatriz, Hazel Tabalon; P.R.O. – Gerlie Santiago Deita, Daisy Anne Raquepo, Evelyn Pajarillo, Epitacia Trisha Linesez; Bus. Mngrs. -Dennis Rebodos, Jeorge Rapanut, Clifford Almazan, Roderick Cuarto, Richard Marinas, Fernando Molano, Jeffrey Aboliso, Marissa Vega; Sgt at Arms -Arnel Seatriz, Juan Rabino, Erick Salvador, Elmer Ragasa, Erwin Pagador, Aldrin Macabeo, Melchor Ramboyon, Randy Marinas, Leonard Bryan Regua; Board of Directors – Elizabeth Astrologia, Gomer Baun, Donato Alfonso, Roselito Alvarez Limsipson, Juliet Astrologia; Advisers – Cristito Rodriguez, Salvador Cuarto, Joemar Renopa, Reynaldo Pescador, Cesar Rapadas, Amado Javier at Over all adviser – Armand Curameng.
Ang mga humahawak naman ng mga iba’t- ibang komite ay ang mga sumusunod: Cultural committee – Elizabeth Astrologia, John Henly Cuarto, Kiara Manalili; Sports Committee – Renato Yape, Edmund Quirit, Roselito Alvarez Limpsipson at Jeff Javier.
Ang mga kabataan ay meron ding mga lider at sila ay sina: Allan Jay Rabino, Roven Jay Rabang, Elijohn Astrologia, Melinda Rabino, Allen Alfonso, Jeff Javier, Richardson Milan, Elajoy Astrologia, Ace Flores, Maynard Javier, Mark Rafanan, at Kristy Joven. (ni: Armand Curameng)