Sa pagtatapos ng isang domestic job, maaaring dahil sa finish contract, sa pagbibitiw o pagre-resign ng worker o sa pagtatanggal ng employer, o maaaring dahil sa simpleng kasunduan ng both parties lamang, ang employer ay dapat na bayaran ang tinatawag na TFR (trattamento di fine rapporto) kilala lalong higit bilang liquidazione o separation pay.
Karapatan ng lahat ng domestic workers ang matanggap ang tfr batay sa kalkulasyon ng halagang tinanggap bilang sahod sa panahong nagtrabaho ang worker, kasama ang anumang board and lodging at anumang uri karagdagang kabayaran bukod sa basic pay nito.
Ang halaga ng TFR ay kinakalkula sa pagtatapos ng taon ng serbisyo. Ang halaga ng naipong tfr taun-taon ay napapalitan, batay sa pagbabago ng yearly amount ng tinatawag na accantonamento della nuova quota annuale.
Ang kabuuang halaga ng naipong tfr gayun din ng pinakahuling taon ng serbisyo ay ipinagkakaloob sa pagwawakas ng trabaho anuman ang naging dahilan nito, kahit pa ito ay occasional o limitado sa ilang oras lamang per week.
Ang employer naman ay nararapat na bayaran ang separation pay kahit ang page-empleyo ay natapos sa panahon ng prova o pagsubok, sa kundisyong ang trabaho ay tumagal o lumampas ng 15 araw, ang pinakamababang panahong itinakda ng batas upang umabot ang kalkulasyon sa isang buwan.
Kabilang din ang panahon ng leave, sick leave, injury, maternity o paternity leave sa kalkulasyon nito.