Ang karamihan ay pawang mga colf, care givers at babysitters. Ang lungsod ng Milan ang nangunguna sa Italya, ang Bangladesh naman ang nangungunang bansa ng mga workers.
Roma – Oktubre 16, 2012 – Ang bilang sa pinakahuling araw ng regularization ay hindi man lamang umabot ng 150,000. Bandang 12.00 ng hatinggabi kagabi, matapos ang isang buwang pagtanggap ng mga aplikasyon para maging regular ang mga undocumented mula sa mga pamilya at kumpanya ay umabot lamang sa 134.576 ang mga aplikasyon.
Ang pinakahuling ulat ng Interior Ministry ay kinumpirma na ang kumpanya ay halos wala sa sanatoria, mayroon lamang 18,607 mga application, kumpara sa 115,969 ng mga domestic workers. Ang mga datas ay nagsasabing ang pinaka-ekonomikong pamamaraan ay ang para sa mga domestic workers, caregivers o babysitters ay ang pamamaraan ginamit ng karamihan: ini-regularized bilang mga domestics ngunit pagkatapos ay papipirmahan marahil ang totoong kontrata sa ibang sektor.
Ang Milan, may 19,055 application, ang nangungunang lalawigan, kasama ang Roma (13,815) at Napoli (11,111), sinundan ng isang malaking pagitan ng Brescia (5214) at Bergamo (3836). Kabilang sa mga nangungunang bansa ng mga manggagawa ay ang Bangladesh (15,770), Morocco (15,600), India (13,286), Ukraine (13,148) at Pakistan (11,728).
Maaaring simulang magdiwang ang 130,000 bagong mga regulars na imigrante. Sa lalong madaling panahon, ang mga pagsusuri sa mga aplikasyon ay sisimulan na at bukod dito ay kulang pa rin ang mga kontribusyon at buwis: masaaabing ang regularization ay nagsisimula pa lamang.