in

Mga flyers laban sa Embahada, kumalat sa Vatican sa araw ng kanonisasyon ng ikalawang santong Pilipino

Hinaing ng ilang organisasyon sa Embahada sa Roma, nais biglang linaw sa pamamagitan ng isang diyalogo.

Rome, Oktubre 25, 2012 – Kasabay ng pagdagsa ng mga pilgrims sa Vatican buhat sa iba’t ibang parte ng mundo para matunghayan ang canonization ng ikalawang santo na si Pedro Calungsod ay kumalat din ang mga flyers ukol sa mga hinaing ng ilang organisasyon na hindi umano natutugunan dahil sa kakulangan ng diyalogo at hindi pagharap ng kasalukuyang Ambassador ng Pilipinas sa Italya sa huling kilos protesta ng mga ito.

Mahigpit ang naging panawagan ng mga migranteng lumahok sa kilos protesta noong nakaraang Oktubre 11, 2012 sa harap ng pasuguan ng Pilipinas sa Roma sa pangunguna ng mga kasapi ng mga organisasyon tulad ng Umangat-Migrante, Migrante Partylist Rome Chapter, Bayan Rome, Mindorinians, Tau Gamma Fraternity in Rome, ICCHRP, Task Force OFW, at mga concerned individuals mula sa ibat-ibang community tulad ni Konsehal Demetrio RagudoRafanan, Consigliere Aggiuntivo ng XX Municipio ng Roma.

Ang mga usapin hingil sa 1) pagaalis sa listahan ng OWWA membership ng mga matatandang OFWs 2) sapilitang pagpapamember sa Pagibig  3) sapilitan pagpagpapamember sa philhealth at ang panukalang premium hike nito 4) hindi tamang singil sa passport fee 5) mataas na bayarin sa mga certification 6) pag-alis ng middle name ng mga Pilipino sa Italya 7) ang pagbasura sa R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Law ang mga dahilan ng nasabing kilos protesta.

Tulad ng mababasa sa flyer, hindi sapat ang pagbaba mula sa 60 hanggang 54 euros ng passport fee bilang sagot sa panawagan.  At ang hindi pagdinig ng sinuman mula sa Embahada noong Oktubre 11 ang naging hudyat para sa panawagan ng pagbibitiw ni Ambasador Reyes tulad ng nasasaad sa mga flyers.

Sa pakikipag-usap ng Ako ay Pilipino sa Embahada sa pamamagitan ni Consul General Grace Cruz-Fabella, na ang ibang sapin ay mayroon ng kasagutan, tulad ng middle name isyu. “Si VP Binay na mismo ang sumagot ukol sa middle name issue last June this year. Nagbigay rin si VP ng legal position ng DOJ tungkol dito”.

Samantala, ayon pa kay ConGen, ang ilang temang nabanggit ay maaaring tatalakayin  sa isang ‘dialog’ sa pagitan ng grupo at ng Embahada sa mapagkakasunduan at itatakdang araw ng dalawang parte.

Bilang pagtatapos, ayon kay ConGen, “ang ating Embahada ay kusa ring lumalapit sa ating mga kababayan at komunidad upang magbigay ng serbisyo publiko hindi lang sa Roma kung 'di sa iba't ibang parte ng Italya. Mula 2011, nagkaroon tayo ng Official Visit ng Ambassador at  mga Consular Outreach missions sa Florence, Palermo, Cagliari, Pisa, Reggio Calabria at Bari. Tungkol naman sa passport fee, ay sinabing "ito ay naging 54 Euros dahil sa kahilingan na rin ng Embahada sa DFA na ibaba ang collection rate para sa mga nasasakop ng Eurozone."

(larawan mula sa Migrante Party List Rome Chapter).

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mandaue Children and Youth Chorus (MCYC) Concert sa Roma

Ang cybercrime law, binatikos sa Roma