in

Ang cybercrime law, binatikos sa Roma

Bong Rafanan, sa iyong pagkikiisa sa huling kilos protesta sa harapan ng Embahada ng Pilipina sa Roma noong Oktubre 11, ay iyong binigyang diin ang matinding pagtutol sa batas na cybercrime law. Ano ba ito at anu-ano ang nilalaman ng bagong batas na ito?

Ang Cybercrime Prevention Act ng 2012, na nilagdaan ng pangulo ngunit samantalang mayroong restraining order ng Korte Suprema, ay isang batas na ginawa na naglalayong gawing isang isang krimen ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan, pagha-hack, pag-spam, online trafficking at pagbabahagi ng file. Sa kabuuhan ng batas na ito ay maganda ang intensyon para maiwasan ang paggawa ng kalaswaan, paninira at iba’t iba pang gawaing hindi maganda na ginagawa sa internet o social networks.
Ngunit may mga ilang kontrobersyal na probisyon ito na kapag hindi nabago ay maaaring maging isang malabong batas laban sa ilegal na aktibidad online ngunit may potensyal na maging kasangkapan sa paglalagtaw o pagyurak sa karapatan sa pagsasalita o pagpapahayag, dahil ang internet social networking ay isang kasangkapan sa pagpapahayag at kuminikasyon.
At kung tuluyang ipapatupad ito na hindi nababago ay malamang maapakan nito ang isang probisyon sa ating Saligang Batas, Artikolo III – SEKSYON 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.

Bakit hindi ka sang-ayon sa batas na ito? Anu-ano ang mga puntong hindi ayon sa konstitusyon na dapat amyendahan? Anong parte ang dapat katakutan ng mga mamamayan?

Hindi naman ako kompletong tutol sa cybercrime law na ito, sa tingin ko pa nga ay magiging isang magandang batas ito kung babaguhin lamang ang ilang mga probisyon nito.Ako ay tutol sa batas na ito dahil hindi nagbibigay ng malinaw na probisyon kung paano ang 'libelo' ay isinasagawa sa 'computer system' na maaaring bigyang kahulugan sa maraming paraan. Kahit ang simpleng 'paggusto'(LIKE) sa isang post sa Facebook ng isang miyembro ng pamilya na nasa ibang bansa o labas ng Pilipinas, na kung sa pananaw ng isang nagbabasa o isang opisyal ng gobyerno ay isang paninirang puri kahit hindi , ay maaari na itong maging dahilan para makasuhan ng LIBEL.
Ang isa dito ay ang Section 19 ng Cybercrime Prevention Act ay nagsasabi na "when a computer data is prima facie (on first examination) found to be in violation of the provisions of this Act, the Department of Justice (DOJ) shall issue an order to restrict or block access to such computer." Walang ng interbensyon ng hukuman ang kinakailangan, ang DOJ ay maaaring magpatuloy agad at sapilitang ihinto ang pag-publish ng iyong mga post o ipagbabawal na ang iyong paggamit sa iyong computer. At ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pangtao! Nilalabag nito ang ARTIKOLO III SEKSYON 4 ng ating Saligang Batas na nagsasabi “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayag, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.”
Sa aking opinion lamang, ang iba pang mga probisyon sa Cybercrime Prevention Law na ito na malabo o masyadong malawak ay ang mga sumusunod:
Sec. 4 It makes libel a cybercrime, if committed online;
Sec. 5. It punishes any person who aids or abets the commission of any cybercrime, even if it is only through Facebook or Twitter;
Sec. 6. It adopts the entire Penal Code, if the crime is committed by the use of information technology, but the penalty shall be one degree higher;
Sec. 7. It makes the same crime punishable, both under the Penal Code and the Cybercrime Act.

Malaki ang pondong nakalaan sa implementasyon ng batas. Bakit at para saan ito?

Iyan ang isa pang nakakagulat sa batas na Cybercrime Prevention Law na ito kung bakit ganito kalaking pera ang nakalaang pondo nito para sa pagpapatupad nito, seksiyon 27 kung saan sinasabi na maglalaan ng, 50 milyong pesos taon taon , samantalang nakasaad sa seksiyon 25 at seksiyon 26 ng kontrobersiyal na batas na ito na kasama ang mga ilang ahensiya ng gobyerno na nadiyan na at mayroon ng estruktura, nagtatrabaho na sa pagpapatupad nito tulad ng NBI, Philippine National Police, Department of Justice at kahit anong ahensiya ng pamahalaan ay pwedeng tawagin para sa ikakatupad ng maayos nito.
Sa aking opinion lamang ay masyadong malaki ito, na kung iisipin natin na napakaraming pamilya sa Pilipinas ang walang mga bahay at napakaraming taong nangangailangan ng serbisyong sosyal buhat sa ating pamahalaan. Kung hahatihin lamang ang ilalaang pondo sa pagpapatupad ng batas na ito, sabihin nating 25 milyon taon taon at ang kalahati nitong 25 milyon ay ilaan naman sa programang pabahay at sa serbisyong sosyal, ay hindi po ba sana mas maganda?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga flyers laban sa Embahada, kumalat sa Vatican sa araw ng kanonisasyon ng ikalawang santong Pilipino

Ano ang Assisted Voluntary Return Program? Para kanino ang programang ito?