in

Eidul Adha, ipinagdiriwang sa buong mundo

Ipinagdiriwang ngayong araw na ito ang Eidul Adha ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo.

Roma, Oktubre 26, 2012 – Kilala rin bilang Pista ng Sakripisyo, inaalala sa araw na ito ang pagtupad ni Propeta Abraham na isakripisyo ang kanyang anak na lalaki, Isaak, bilang pagsunod sa Diyos.

Isa ito sa dalawang pinakadakilang kapistahang Islam. Ang isa ay ang Eid al-Fitr na siya namang pagtatapos ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno ng Islam.

Nagtitipun-tipon ang mga Muslim sa kanilang lokal na mosque tuwing Eidul Adha upang makinig sa mga mensahe at magdasal ng mga dalanging kongresyunal sa Eidul Adha. Nagsasakripisyo naman ng hayop gaya ng tupa, baka o kambing, alinsunod sa pamamaraan Islamic. Ibinabahagi ang laman nito sa pamilya, kaibigan, at iba pa, lalo na sa mga mahihirap.

Ang Pista ng Sakripisyo ay ipinagdiriwang sa araw na ito ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo. Kabilang maging ang mga mananampalataya sa Italya: isang milyon at kalahating mamamayan, karamihan ay mga imigrante, ayon sa ang pinakahuling  pagtatantya ng Caritas Migrantes.

Ang Pista ng Sakripisyo ay mahalaga dahil sa nagtatapos ang Al Hajj, ang peregrinasyon sa Mecca (at mga kapaligiran nito). Sa araw na ito, sa banal na lungsod ng Islam ay dumating ang halos tatlong milyong mga mananampalataya.

Maging sa Pilipinas ay idineklara itong regular holiday bilang pagtalima sa pagdiriwang ng mga kapatid na Muslim sa naturang araw.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Canonization ni Beato Pedro Calungsod dinayo ng mga Pinoy sa Tuscany

Regularization – Magpatala sa SSN