in

Regularization – Magpatala sa SSN

Tila tunay na mayroong mga permit to stay ang mga manggagawang ipinag-sumite ng mga employer ng aplikasyon sa sanatoria. Narito ang indikasyon ng Ministry of Interior.

Roma – Oktubre 26, 2012 – Ang 130,000 mga workers na ipinag-sumite ng mga pamilya at mga kumpanya ng aplikasyon para sa Regularization ay magpapatala sa SSN o Nationale Health Service. Bilang indikasyon mula sa Ministry of Interior, dahil ang mga ito ay diumano ay nasasakop na ng mga serbisyong maaaring kanilang kinakailangan.

Isang halaga ng € 1000 bilang kontribusyon na binayaran ng mga employer (o mas madalas ng mga manggagawa mismo), pati na rin ang mga kontribusyon, sa nakalipas at hinaharap, na papasok sa tanggapan ng Inps ay gagamitin para sa mga bagong susubaybayan (assistito) ng public health system. Ito ang paalala ng Viminale sa pamamagitan ng isang circular na ipinadala kahapon sa lahat ng mga Prefecture, at tinatayang 43 million euro para sa 2012, at 130 million sa susunod na taon.

"Ang mga kontribusyon para sa coverage ng social security at health system at ang pag-papatala sa SSN ay mahalaga lalo na sa kaso ng pangangailangan ng sickness certificate (certificate di malattia) at sa anumang benepisyo na dapat bayaran ng tanggapan”, ayon sa Circular. Ngunit ipinapaalala rin na hangga’t hindi natatapos ang buong proseso ng regularization, ang worker ay maaari pa ring mabigyan ng order of expulsion.

Lahat ng ito, pagtatapos ni Angelo Malandrino, direktor ng Politiche dell‘Immigrazione e dell’Asilo, ay pinaniniwalaan na ang mga worker na ipinag-sumite ng aplikayson para sa regularization ay maitutulad sa mga beneficiaries ng mga obligatory insurance, tulad ng nasasaad sa Artkulo 34 ng Batas sa Imigrasyon TU (ie banyagang manggagawa regular) at samakatuwid, ay maaaring magpatala sa National Health Service.
Normal na ang mga workers na kabilang sa regularization ay walang fiscal code at magkakaroon lamang nito sa pagtawag ng Sportello Unico per l’Immigrazione. Ukol dito, ayon sa ministry ang mga workers na kabilang sa regularization ay dapat bigyan ng serbisyo bilang “stranieri temporaneamente presenti”, samantala para sa releasing ng tessera sanitaria ay dapat hintayin ang fiscal code o codice fiscale.

Samantala, para sa mga mayroong fiscal code, tulad halimbawa ng mga dating regular at nagmamay-ari ng permit to stay ngunit hindi nagpapahintulot para mag-trabaho? Ayon sa ministry ay “maaaring magpatala nang direkta sa National Health Service."

"Ang pagkakaibang ito ay para lamang isang teknikal na paraan upang matugunan ang kawalan ng fiscal code” ayon kay Avv. Mascia Salvatore, Stranieriinitalia.it. “Malinaw na, kahit ang mga naka-tala sa ilalim ng Stp code, at ang mga worker na naghihintay sa regularization, ay magkaroon ng parehong karapatan at mag serbisyo tulad ng mga permit to stay holders”.

Circular ng Ministry of Interior

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Eidul Adha, ipinagdiriwang sa buong mundo

Balik Ora Solare