in

Balik Ora Solare

Babalik ngayong hatinggabi, sa pagitan ng Sabado 27 at Linggo, Oktubre 28 ang solar time o ora solare: sa ganap na 3:00 ng umaga ay dapat ibalik paatras ng isang oras ang mga relos.

Ang ora legale o ang Daylight Saving Time ay muling magbabalik sa March 30, 2013.

Ayon sa Terna, sa panahon ng daylight saving o ora legale, na nagsimula noong March 25, 2012, ay ipinagpaliban ang paggamit ng artificial light ng isang oras. Ang Italya ay nakatipid ng halos 613 milyong kilowatt-hr (kWh 647 million ang konsumo ng 2011), katumbas sa average ng taunang pagkonsumo ng koryente ng 205,000 pamilya.

Nangangahulugan na ang Italya ay nakatipid sa pamamagitan ng daylight saving ng € 102 million. Sa mga buwan ng Abril at Oktubre ay naitala, gaya ng dati, ang pinakamalaking mga pagtitipid ng koryente. Ito ay – ayon sa Terna – ang dalawang buwan ito ay may mga araw na ‘pinaka-maikli’ kung natural light ang pag-uusapan kumpara sa ilang buwan ng buong panahon.

Ang paglipat paabanti ng mga orasan ng isang oras, ay nangangahulugan ng pag-atras naman ng paggamit ng artificial light sa mga oras na ang mga gawain ay kasalukuyang puspusan pa.

Sa mga buwan ng summer tulad ng Hulyo at Agosto, gayunpaman, dahil ang mga araw ay mahaba kumpara sa buwan ng Abril, ang epekto ng "pagkaantala" sa pagsindi ng mga bombilya ay sa gabi lamang, kapag ang mga gawain ay halos natapos na at ito ay nangangahulugan na kakaunti ang natipid na enerhiya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization – Magpatala sa SSN

Gangnam Style, mula sa Cebu inmates