in

Obama, panalo sa pangalawang termino

Rome, Nob 7, 2012 – Nanalo para sa ikalawang termino sa White House si President Barack Obama sa kanyang re-election bid.

Tila hindi naman naging madali para kay former governor Mitt Romney ang tanggapin ang pagkatalo dahil sa kinuwestyon pa nito ang pagkapanalo ni Obama sa Ohio.

Gayunpaman,  ayon sa unofficial tally ng mga news agency, nagtagumpay si Obama dahil umabot sa 285 electoral votes at lagpas sa 270 na kinakailangan para manalo laban sa 203 ng katunggali.

Nagtagumpay si Obama sa Ohio, kung saan malaki ang naitulong sa kanyang pagkapanalo, Wisconsin, Iowa,Pennsylvania at New Hampshire – ang lahat ng state na na-contest ni Romney  – habang ang nag-iisang swing state na nakuha ni Romney ay ang North Carolina, base sa projections ng mga news agency.

Samantala, naging mahigpit naman ang laban ng nationwide popular vote.

Muling nakuha ni Obama ang tiwala ng mga botante sa pagpapabalik sa kanya sa White House upang maipagpatuloy ang pagsisikap na maibalik ang sigla ng ekonomiya at makarekober sa pinakamalalang recession ang bansa mula nang maganap ang Great Depression noong 1930s.

Humarap din si Romney sa national television cameras, makalipas ang halos dalawang oras upang batiin si Obama sa tagumpay na nakamtan nito.

“The best is yet to come”

Sa Chicago, ang demokratiko ay humarap at nagpasalamat sa lahat ng kanyang mga followers na masayang masaya sa pagkapanalo nito.

“Salamat sa lahat ng bumoto sa akin. Ako ay makikipag-usap kay Romney para sa ikauunlad ng bansang ito”. At nangakong mas determinado ang babalik sa White House at sinabing “The best is yet to come”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Obama, panalo sa survey sa buong mundo

Barack Obama’s victory speech