in

Family Reunification – Maaari ko bang kunin ang aking mga magulang?

Magandang umaga po sa inyo. Ako po ay isang Pilipino. Mayroon akong trabaho at balidong permit to stay sa Italya ilang taon na at nais ko pong malaman kung maaari kong dalhin sa Italya ang aking mga magulang na nasa aking bansa.

Roma – Nob 9, 2012 – Ang Reunification ng mga magulang ay naaayon sa TU o Batas ng Imigrasyon ng Italya. Partikular, sa artikulo 29 ay nasasaad kung sino ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring kunin at papuntahin sa Italya. Ito ay ang pinakamalapit na miyembro ng pamilya: asawa, anak at magulang.
Para sa ilang mga kategorya ng miyembro ng pamilya, ang batas ay nagpataw ng mga kondisyon upang makuha sa pamamagitan ng tinatawag na family reunification. Ito ay ang mga anak na 18 anyos at mga magulang.

Mga katangian ng magulang na maaaring papuntahin sa Italya

Ang magulang, upang makuha ng dayuhang regular sa Italya, ay nararapat na nagtataglay ng partikular na kundisyon. Ang makatwirang paliwanag ng probisyon, alinsunod sa obligasyon ng mga anak na suportahan ang mga magulang na nangangailangan (Artikulo 433 ng Civil Code) ay nagsasaad na ang magulang ay nararapat na walang sapat na kapasidad upang mamuhay sa sariling kakayahan sa sariling bansa.

Ang artikulo 29 ay nagsasaad na ang family reunification ay posible lamang sa mga dependent parent (genitori a carico) kung walang ibang anak sa sariling bansa, o may edad higit sa 65 kung ang mga anak ay hindi kayang buhayin ang mga magulang dahil sa matinding karamdaman.

Samakatwid, ang mga magulang ay dapat na nabibilang sa 2 kategorya:

–          ang mga dependent parents ay walang ibang anak sa Pilipinas

–          ang mga dependent parents, may edad higit sa 65, sa pagkakaroon ng ibang anak, ay ang kawalan ng kakayahan upang buhayin ang magulang dahil sa matinding karamdaman.

Kung ang mga magulang ay nagtataglay ng mga kondisyon na itinalaga ng batas, mayroon pang ibang mga kinakailangan na dapat isaalang-alang .

Kakayahang pinansyal

Ang aplikante o ang dayuhang regular sa Italya, ay dapat patunayan na nakakatanggap ng annual minimum wage (mula sa legal na paraan) at hindi bababa sa annual amount ng assegno sociale at dinagdagan ng kalahati ng halaga ng assegno sociale ng bawat miyembro ng pamilya na kukunin. Para sa taong 2012, ang halaga ng assegno sociale ay katumbas ng 5.577,00 euros. Samakatwid, upang makuha ang isang magulang (ama o ina) ang annual income ay dapat na nagkakahalaga ng 8.365.50 euros (5.577.00 + 2788.50).

Accommodation
Bilang karagdagan sa kinakailangang kita, ay kailangan rin ang angkop na tutuluyan para sa miyembro ng pamilya na darating. Ang accomodation ay dapat na patunayan sa pammagitan ng kopya ng kontrata ng inuupahang apartment.

Sa family reunification ng isang magulang, ang sertipiko para sa angkop na pamantayan ng kalinisan/kalusugan (il certificato attestante la conformità ai requisiti igienico-sanitari)at/o ng pagiging angkop bilang tahanan, (certificato di idoneità abitativa)mula sa munisipal na tanggapan.

Certificate of  degree of kinship

Upang masimulan ang proseso ng family reunification, ay kinakailangang mapatunayan ang degree of kinship. Ang sertipikasyon ay dapat na translated at legalized at dapat isumite sa Italian embassy sa Pilipinas (ng miyembro ng pamilya na kinukuha kung kanino naka-pangalan ang nulla osta) sa pagre-request ng entry visa sa Italya.

Health insurance para sa mga magulang na may edad higit sa 65
Para sa family reunification ng magulang na may edad higit sa 65 ay kinakailangan din ang pagkakaroon ng health insurance upang matiyak ang coverage sa anumang karamdaman. Bilang alternatiba, maaari ring magpatala sa National Health Servicesa pamamagitan ng pagbabayad ng itinakdang halaga ng Ministry. Mahalagang malaman na hanggang sa kasalukyan ang ‘halaga’ ay hindi pa itinatakda, ngunit ang mga Regioni ay nagtalaga nito pansamantala, habang hinihintay ang paglabas ng halaga buhat sa Ministry.

 

Ang procedure

Ang pag-aaplay ng nulla osta ay dapat isumite online, sa pamamagitan ng Ministry of Interior. Lahat ng karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa website ng Ministry sa ilalim ng "immigration".

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DOH, pinagbabawal ang fetus sa stem cell therapy

Instruction ukol sa mga kurso at test sa Italian language