in

Ilog Tevere, under control

Roma, Nov. 14, 2012 – Ang Tevere sa Roma ay nananatiling under control. Ang pagtaas ng ilog ay lumampas na sa 12 meters. Tinawag na soft waves ng mga eksperto dahil under control diumano ang pagtaas ng tubig at walang anumang inaasahang danyos na iiwan sa lungsod.

Ngunit madaling araw pa lamang ngayong araw na ito ay tumaas na ang tubig sa Via Flaminia, bandang Celsa station na isinara dahil sa pagbaha. Ito ay matapos ipasara sa mga motorista ang Via del Prati Fiscali mula Largo Valtournache hanggang Via Salaria ng local police at ng Civil Protection. Maging sa Aniene ay mataas ang tubig. Ilang mga sports center naman sa Foro Italico ang inabot rin ng pagtaas ng tubig.

Pansamantala ring isinara ang Castel Giubileo ng GRA, ngunit nananatiling bukas naman ang Labaro-Saxa Rubra direction.

Ang pagtaas ng ilog ay sanhi ng pagbubukas ng diga ng Corbara, sa Umbria.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halalan para sa Consulta degli Stranieri sa Cagliari, bukas na!

Mga ipinapanganak na sanggol, patuloy ang pagbaba sa bilang