Sa mundo maraming hindi magkakapareho, mayroong mas gwapo o mas maganda at mayroon ding di-kagandahan, mayroong mas nakakaangat sa buhay at mayroong mas nangaingailangan, mayroong nagmamahal at mas higit na nagmamahal, mayroong nasasaktan at pilit na lumalaban.
This is my story. My Love Story.
Isa ako sa biniyayaan ng Diyos na magmahal ng tapat, walang alinlangan at walang kapalit na hinahangad, siguro masasabing pag-ibig na wagas.
Sa unang araw na makita ko ang taong mahal ko, “Ito na ang tamang panahon at sya na ang taong hinihintay ko”, ang sinabi ko sa aking sarili, kahit diko pa man nakakausap o kino-commit ang sarili ko sa kanya.
Siya ang ginawa kong inspirasiyon sa araw-araw, siya ang dahilan ng mga matatamis kong ngiti at siya rin ang dahilan kung bakit ako pilit na lumalaban sa anumang hamon ng buhay.
Parang panaginip lang ang lahat. Ang bilis ng mga pangyayari, ang saya-saya, mayroong malulungkot na sandali pero kapalit naman nun ay kasiyahan ulit. Napaka-perpekto ng mga sandaling iyon. Yung tipo na masasabi mo sa sarili mo na "IM THE BRIGHTEST OF ALL THE STARS IN THE UNIVERSE ".
Pagkatapos noon, ang hindi maiiwasang mga trials o pagsubok sa isang relasyon. Maraming problema ang pinagdaanan ngunit sa tulong ng Panginoon ay nalampasan naman ang lahat, tulad ng kasabihang: "Hindi ibibigay ng Panginoon ang isang problema na hindi makakalayang malampasan”, kaya nanindigan ako sa kasabihang ito at naging maayos ang lahat.
Ngunit habang patatag at patagal ang isang relasyon, parami ng parami ang pagsubok at hindi ko maiwasang magtanong sa Panginoon:, “Ganun ba talaga ako katatag sa mata NINYO at parang di na natatapos ang mga problema?”
Hanggang dumating ako sa punto na gusto ko ng sumuko, pero di ako pwedeng sumuko at maging mahina kasi ako ang pinagkukunan niya ng lakas, kaya sa mga sandaling iyon, pinilit ko pa rin ang ngumiti, dinaya ko ang aking sarili, itinago ko ang kahinaan ko at kailangan kong magpanggap na malakas ako kahit sa kaloob looban ko ay durog na durog na ako.
Tinanong ko ang aking sarili. Hanggang kailan ako magiging ganito? Ano ang naging kasalanan ko at bakit nasasaktan ako ng ganito?
Subalit sa lahat ng mga katanungang ito, ang kasagutan lamang ay nagmahal ako ng totoo at wala akong pinagsisisihan, ang sa akin lamang ay masaya ako at malinis ang puso ko kapag ako ay nagmamahal. Nagpapasalamat ako at sa kanya naranasan ang mga pinapangarap ko.
Pinapanalangin ko na sana maging ok ang lahat at kung magkaroon ng pagkakataon na magkita at magsama ulit kami, ito ang mga katagang sasabihin ko sa kanya, “MAHAL KITA AT IKAW ANG BUMUBUO NG PAGKATAO KO”. (by: Rene Peralta – Empoli, Firenze)