Ayon sa datas mula sa INPS, noong 2008 ang mga colf at caregivers na pawang mga Italyano ay 119.936 at tumaas sa 134.037 noong 2009, 137.806 noong 2010 at 143,207 noong 2011.
Roma, Nobyembre 21, 2012 – Ang mga kababaihang Italyano ay bumabalik sa pagiging domestic workers: pagkatapos ng maraming taon kung saan ang domestic jobs sa loob ng tahanan ng mga Italians ang naging tanging takbuhan ng mga dayuhan.
Ayon sa datas mula sa INPS, noong 2008 ang mga colf at caregivers na pawang mga Italyano ay 119.936 at tumaas sa 134.037 noong 2009, 137.806 noong 2010 at 143,207 noong 2011 (higit sa 23,000 sa 3 taon, halos 20%).
Ang kabuuang bilang ng mga Italian domestics ay 22.6% ng kabuuan noong 2008 (530,701), na bumaba sa 18.6% noong 2009 (dahil sa pagdami ng mga imigranteng manggagawa sa pamamagitan ng sanatoria). Noong 2009, ang mga domestic workers ay umabot sa 718,996 (isang pagtaas ng higit sa 188.000 noong 2008).
Ang bilang ng mga Italian workers sa sektor ay tumaas noong 2010 at umabot sa 19.1% (137,806 ng 721,316) at higit na dumami noong 2011 na umaabot sa 20.5% (143,207 ng 698,957).