Arezzo, Nob 28, 2012 – Mula sa matagumpay na Search for Bb. Pilipinas Italy na ginanap sa Roma noong Setyembre, nagbabalik ang Filipino Association of Talents in Europe o FATE at ang pangkalalakihang bersiyon naman na Quest for Mr. Philippines Italy 2012. Ito ay matagumpay ding idinaos noong November 18, 2012 sa Palazetto dello Sport San Lorentino ng Arezzo sa tulong ng Filipino Community of Arezzo (FCA) ng nasabing siyudad.
“Napagtanto naming na ang mga kalalakihan ay dapat magkaroon din ng ganitong pagkakataon para mahubog at maipamalas ang kanilang mga kakayahan. Ang misyon ng FATE para makadevelop at maka diskubre ng mga talento ay para sa lahat” hayag ni Dondon Moncada, president ng FATE.
Pitong talentado at guwapong kandidato ang naglaban-laban para sa titolo at ito ay sina: J. Edward Fernandez ng Livorno, anak nina Mr. and Mrs. na tinulungan ng Filipino Community of Livorno sa pamamagitan ng presidente nito na si Mr. Percival Capsa at ang Livorno FATE Coordinator na si Mrs. Victorina Patubo; Rommel Jake Albalos ng Rome, anak nina Mr. Robert Albalos and Mrs. Imelda Paraoan mula sa Vigan, Ilocos Sur at Bulacan; Ralph Laurence Amano ng Firenze at Arezzo anak nina Mr. & Mrs. Jocelyn Amano ng Nagsangalan, Vigan, Ilocos Sur na sinuportahan naman ng Guardians Marilag Firenze, Mr. Silverio Balasbas – president at FCA Arezzo;Webster Jay L. Diaz ng Napoli na anak nina Jacqueline Lapuebla and Deomedez Diaz ng Nueva Vizcaya, Bambang sinuportahan ni Mr. Cielo Niedo at ang Filipino community ng Napoli lalo na ang 1 Ganap Guardians Napoli Chapter; Rex Brandon Padilla Laureta ngRome, anak nina Mr. Reynold Laureta and Mrs. Chiudela Padilla mula sa San Nicolas, Pangasinan at inisponsoran naman ng Guardians Marilag Romesa pangunguna nina Dr. Casimero Dulay and Mr. Marlon Magpali; Prince Manzi ng Rosignano na anak nina Mr. and Mrs. Roberto and Maryann Manzi
ng Quezon City na sinuportahan naman ngTermini Association of Filipinosng Roma sa pamamagitan ng president nito na si Mr. Ador Rabangat ang panghuli ay si Rey Rebudal ng Reggio Calabriana anak nina Mr. and Mrs. Ernesto and Evelyn Rebudal ng San Pablo, Narvacan, Ilocos Sur mula naman sa suporta ng Unified Filipino Workers of Reggio Calabria sa pangunguna ng president na si Mrs. Celestial Madula.
Ang koponan ng mga hurado ay binuo nina Mrs. Precy Tejero Castillo, Ms. Juliet Sacayanan Astrologia at Dr. Vladimirio Barberio at bagaman sila’y nahirapan, inihayag nila ang isahang desisyon. Nakopo ni Webster Jay Diaz ang titolo na sinundan ni Rex Brandon Laureta. Pangatlo si Rey Rebudal na sinundan nina Prince Manzi at Romel Jake Albalos.
Ang mga kandidato ay may kanya kanyang special awards at ito ang mga sumusunod: Si Webster ay nanalo ng Mr. Talent, Mr. Internet First Runner Up, Mr. Congeniality at Mr. Fantasy; Nanalo naman si Brandon ng Mr. Friendship, Mr. Fantasy, Mr. Body, Most Creative sa pamamagitan ng kanyang chaperon/trainor na si Arnel Lacson, Mr. IMG at, Mr. Charity First Runner Up.
Si Rey Rebudal ay nanalong Mr. Internet 3rd Runner Up, People’s Choice Award habang si Prince ay nagtamo naman ng Mr. Telegenic, at Mr. Charity First Runner Up. Si Jake ay nanalong Mr. Charity 2012 at Mr. Internet samantalang bukod sa pang-anim na puwesto ni Edward Fernandez ay nakuha rin niya ang Mr. Cover Boy at Mr. Elegant at ang pang pito na si Ralph Laurence Amano ay naging Mr. Ramp Model at Youth Role Model.
“Hindi namin akalaing ganito kalaki ang tagumpay ng patimpalak. Bagama’t kami’y nakadanas ng maraming kahirapan at hindi pa sanay, dahil ito ang kauna unahang edisyon ay naisagawa namin para maganda at masaya ang programa kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at sumuporta” saad ni Venus Alas Rabang ang president ng FCA.
Naging performers sina Chiara Barberio, Napoli youth at ang Coro Filipino di Palazzo Teale di Chiese Sta Brigidae San Ferdinando sa pamamagitan ni Mrs. Cora Dag-usen at ang programa ay idinerehe at iprinisinta ng Italy’s Filipino Concert King na si Armand Curameng. (ni: May ann Alas Rabang at Renato de Vera Yape)