in

North Korea, nagpakawala ng rocket

Nagpakawala ng rocket ang North Korea, alas-8:49 ng umaga sa Pilipinas ngayong araw na ito.

Isang scientific satellite diumano ang pinakawalan ng North Korea at bumagsak sa Karagatang Pasipiko ang debris 20 minuto makalipas pakawalan ito, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos.

Idinagdag pa ni Ramos na bumagsak ang debris sa Pasipiko, lampas pa sa idineklarang exclusive economic zone na 300 kilometers ang layo sa Cagayan Province.

Kasalukuyang hindi pa alam ng NDRRMC kung may nasaktan sa pagbagsak ng debris.

Gayunpaman, aminado diumano ang NDRRMC na hindi nila inaasahan ang rocket launch ng North Korea, dahil bagama't nagbigay ito ng launch period na Disyembre 10 hanggang 29 ay wala silang natanggap na advance notice.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU Blue Card – Paano mag-aplay nito?

Italya, nangunguna sa Europa sa laki ng remittance na ipinadala sa mga non-EU countries