in

Janine Mari Tugonon, 1st runner-up sa Miss Universe pageant

Iniuwi ni Miss USA Olivia Culpo ang titolo ng Miss Universe 2012 na ginanap sa Planet Hollywood Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada. Samantala si Miss Philippines Janine Mari Tugonon naman ang 1st runner up, Venezuela ang 2nd, Australia ang 3rd at Brazil ang 4th.

Ito ang pinakamataas na pwesto na nakuha ng Pilipinas simula kay Miriam Quiambao noong 1999. Ito rin ang ikatlong taon na ang Pilipinas ay nasa Miss Universe Top 5. Taong 2012, si Venus Raj ay 4th runner up at noong 2011 naman si Shamcey Supsup ay 3rd runner up.

Sa pagsagot sa katanungan ni Nigel Barker sa pamamagitan ng Twitter, ay tinanong kay Tugonon, “As an international ambassador, do you believe that speaking English is a prerequisite to be Miss Universe?”

Ang kanyang naging kasagutan ay , "For me Miss Universe is not about being able to speak a specific language, it's about being able to influence and inspire other people. No matter what language you speak, as long as you have the heart and a strong mind, you can become Miss Universe."

Sa isang panayam ng ABS-CBN News ay inamin ni Tugonon na nais nyang iuwi ang korona ngunit masaya na rin diumano ang dalaga sa naging resulta"Happy na ako doon. Malaking blessing na ito para sa Pilipinas.", ang naging tugon ng dalaga.

Kabilang sa Top 10 ay ang Australia, Russia, Brazil, France, Venezuela, USA, Hungary, South Africa, Mexico and Philippines. Samantal sa top 16 naman ay kabilang ang Turkey, Peru, Poland, Croatia, Kosovo and India.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Censimento: l’Italia cresce grazie agli stranieri

Identification code ng trabaho sa Regularization, inilathala