"The Philippines shows the world how to celebrate Christmas", ito ang titolo ng artikulo ni Sarah Brown sa website ng CNN kung saan inisa-isa ang mga dahilan kung bakit mas masaya at tunay ang diwa ng Pasko sa bansang Pilipinas.
Kinikilalang pinakamahaba sa buong mundo ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas na nagsisimula Setyembre 1 pa lamang. Mula sa mga tradisyong pagkain tulad ng puto bumbong at bibingka, makukulay na christmas lights, belen at mga parol, ang masaganang noche buena ay bidang-bida sa kakaibang pagdiriwang ng Pasko sa bansa.
Ngunit higit sa lahat, binanggit sa artikulo kung paano abalang-abala ang maraming bansa
sa komersiyalisasyon na dulot ng Kapaskuhan, hindi kaylan nakakalimutan ng mga Pilipino ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagsisimba, ang kilalang "Simbang Gabi."