Firenze, Dec 21, 2012 – Isang mahalagang selebrasyon ang ipinagdiwang ng mga Pilipino noong Disyembre 09, 2012 sa Sala D’ Arme ng Palazzo Vecchio (City Hall) ng Comune di Firenze. Ito ay ang “Overseas Filipino Workers Month” na magkatuwang na inorganisa ng Honorary Consulate Office at Confederation of Filipino Community of Tuscany. Layunin nitong magbigay ng recognation o citation sa mga natatanging Pilipino na nag ambag ng kanilang talento, serbisyo at panahon para sa ikakaunlad at ikakabuti ng Filipino community sa Toscana.
Ang mga binigyan ng parangal ay ang mga Leaders ng mga Associations, Groups, Religious, Civic at Socio-Cultural, gayon din ang mga Filipino Entreprenuers at Volunteers Groups. Sa okasyon ito binigyan rin ng natatanging pagkilala ang Coordinating/Organizing Team ng Consulate sa kanilang volunteer services at socio political na sina CFTC Pres. Percival Capsa, Vice Pres. Dennis Reyes, CFTC Board Chairman Divina Capalad. Secs. Tess Salamero and Socorro Gecolea, Finance Officers Teresita Jemenea and Wilfredo Punzalan, CFTC Coordinators Rolando Fernandez and FNAT Pres. Remely Abrigo.
Nagbukas ng programa si Council President ng Comune di Firenze at Consigliere ng Regione Toscana Dott. Eugenio Giani, pinuri niya ang Filipino community sa pagiging well integrated at sa mga naging tulong nila Ms. Divina Capalad bilang President ng Councils for Foreign Citizen, Comune di Firenze at ni Vice Pres. Teresita Geronimo sa Provincia di Firenze. Binati ni Hon. Consul Dott. Fabio Fanfani ang mga Pilipino Leaders sa kanilang magandang contibutions at suporta sa komunidad at nanawagan ng sama-samang pagtulong para sa mga biktima ng Bagyong Pablo. Nagpahayag din ng pagbati sa lahat ng nabigyan ng parangal in behalf of Labor Attache Atty. Vevica Catalig si OWWA Officer Ms. Corazon Sangco, gayon din sina Councilor Antonio Luria ng Comune di Firenze at Ms. Sara Bessi ng “La Nazione”. Pagbati at pasasalamat ng Comfiltoscana sa mga panauhin pandangal na sina Council Pres. at Consigliere Regione di Toscana Dott. Eugenio Giani, Councilor Antonio Luria, Owwa Officer Ms. Corazon Sangco, preparations and venue Francisca dell’ Aria, song number nila Camille Ann Cabaltera, Michelle Alonzo at Lailani Badjao, ARCI Firenze, Unicoop Firenze at sa mahal na Hon. Consul Dott. Fabio Fanfani, sa lahat Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. (ni: ARGIE GABAY)