"Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa Greece, ang European Union ay hindi karapat-dapat sa Nobel Peace Prize"
Athens, Disyembre 21, 2012 – Ang hindi patas na pagtingin ng mga awtoridad sa mga migrante at sa mga humihingi ng political asylum sa bansang Greece ay hadlang upang matanggap ng EU ang Nobel Peace Prize.
Ang mapait na anunsyo ay ayon sa isang kinatawan ng Amnesty International, sa isang press conference sa Athens. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng mga migrante sa Greece, ang European Union ay hindi karapat-dapat sa Nobel Peace Prize na nagtataglay ng mas mababa kaysa internasyonal standard ng human rights.
Ang Greece ay nangangailangan ng tulong ngunit dapat ring tanggapin ang kanyang mga pananagutan, " ayon kay John Dalhuisen, direktor ng programa ng Amnesty for Europe and Central Asia. Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Dalhuisen nang detalyado ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad sa bansang Greece, kawalan ng tamang pamamaraan sa pagbibigay ng political asylum, ang pagsasaalang-alang ng 20 kaso lamang sa loob isang linggo at kawalan ng tamang paraan ng pagharap sa mga agresyon laban sa mga imigrante