in

Regularization – Ang dapat gawin kung matatapos ang employment

Ako ay isang employer ay nag-aplay para sa Regularization ng isang undocumented noong nakaraang taon. Ano ang dapat gawin kung matatapos ang employment ng worker, sa paraang consensual, sa pagre-resign ng worker o sa pagtatanggal ng employer?

Roma – Enero 17, 2013 – Ang employment ay maaaring magtapos dahil sa desisyon ng parehong parte, sa paraang ginusto ng pareho o hindi. Kung ang worker ang nagdesisyong iwan ang trabaho, ay tinatawag na pagbibitiw o dimissione, subalit kung ang employer ang may nais tapusin ang trabaho  ay tinatawag na pagtatanggal o licenziamento. Sa parehong kaso, ay nararapat na ipagbigay alam ito sa pamamagitan ng isang liham kung saan nasasaad ang pagtatapos ng employment.

Malinaw na dapat i-kunsidera ang mga kundisyon na nasasaad sa CCNL. Kung ito ay dahil sa pagbibitiw ng worker, ayon sa mga bagong patakaran, ay nararapat na covalidated ito ng employer o ng karampatang tanggapan.

Ang proseso ng Regularization ay maituturing lamang na ‘tapos’ na, makalipas pirmahan ang contract of employment o contratto di soggiorno sa Sportello Unico per l’Immigrazione, bukod sa pagpapadala ng obbligatory communication of hiring o ng comunicazione obbligatoria di assunzione. Pagkatapos lamang ng mga hakbang na ito maituturing na ang employer ay nalampasan ang penal at administrative cases sa pagtanggap sa undocumented bago simulan ang proseso ng regularization. Matapos lamang nito maaaring matanggap ang permit to stay dahil sa trabaho ng worker.

Ang batas ay naglaan ng mga pamamaraan kung matatapos ang employment habang pino-proseso ang Regularization.

Ang La Circolare del Ministero dell’Interno n° 7529/2012 ay nagsasaad ng tamang pamamaraan na dapat gawin kung matatapos ang employment matapos isumite ang aplikasyon sa Regularization.

Kailangang tandaan na ang pagtatapos ng trabaho ay hindi sapat na dahilan upang pagkalooban ng permesso di soggiorno per attesa occuapazione kung hindi susundin ang nasasaad sa Circular.

Dalawa ang mga pangyayari na maaaring maging dahilan ng pagtatapos ng trabaho bago matapos ang buong proseso ng Regularization.

Kung ang pagtatapos ng employment ay magaganap bago ang pagtawag ng Sportello Unico per l’Immigrazione upang pirmahan ang contract of employment, ang employer ay kailangang gumawa ng written communication sa SportelloUnico at sa tanggapan ng Inps. Ang employer at worker ay parehong dapat pa ring humarap at magtungo ng SportelloUnico upang gawing pormal at ihayag ang dahilan ng pagtatapos ng trabaho. Sa ganitong kaso, ay pipirmahan pa rin ang contract of employment para sa panahong nag-trabaho ang worker at ang employer ay dapat bayaran pa rin ang kontribusyon sa Inps para sa panahong hindi bababa sa 6 na buwan. Matapos ang hakbang na ito saka pa lamang pagkakalooban ng permesso di soggiorno per attesa occupazine ang worker.

Kung ang pagtatapos ng employment ay magaganap matapos pirmahan ang contract of employment, ang written communication ay dapat gawin sa tanggapan ng Inps sa loob ng 5 araw at sa Centro per l’Impiego kung hidi ito domestic job. Ang communication sa Inps ay dapat gawin online sa mga mayroong pin code o sa pamamagitan ng pagtawag sa toll free number 803164 gamit ang codice fiscal ng employer at employment code. Ang komunikasyong nabanggit ay gagamitin rin sa Inail at sa Ministry of Labor at Welfare.

Ipinapaalala na bago ang appointment sa Sportello Unico, ang worker ay hindi maaaring magpalit ng employer at sa pagkakataong ang employer lamang ang magtungo sa Sportello Unico ay isasantabi ang aplikasyon para sa Regularization at ang employer ay hindi masasampahan ng penal at administrative cases.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regolarizzazione. Che fare se il rapporto di lavoro finisce?

Pasok sa programa, kahit walang order of expulsion