Ang alkalde ay ipinagpaliban ang seremonya ng citizenship sa isang Moroccan. Hindi kayang basahin ang panunumpa.
Roma – Enero 30, 2013 –Hanggang sa ngayon, sa kabila ng mga panukalang batas, ang panuntunan upang magkaroon ng citizenship ay hindi obligadong ipasa ang italian language test. Ngunit, isang alkalde ang ipinagpaliban ng anim na buwan sa isang Moroccan dahil sa kakulangan ng kaalaman sa wikang italyano.
Ito ay naganap sa Vigonovo, sa Venice tulad ng nasasaad sa Gazzettino. Lahat ay handa na para sa seremonya, ngunit ang nagnanais maging ganap na Italyano, isang laborer at 47 anyos at 21 taon na sa bansang Italya ay tila bulang naglaho ang pangarap nang hindi makayanang basahin sa wikang italyano ang panunumpa.
Ito ang naging desisyon ng alkaldeng si Damiano Zecchinato, na matapos konsultahin ang head ng Immigration department ng Prefecture ay nagpasyang ipagpaliban ang seremonya. Ang Moroccan, samantala, ay pinagkalooban ng anim na buwan upang mapag-aralan ang bumasa ng wikang italyano (o marahil, mas medaling kabisaduhin nito ang nilalaman ng panunumpa).