Magandang araw, nais ko pong malaman kung ano ang mangyayari kung hindi ako gagawa ng ‘dichiarazione dei redditi’?
Roma – Enero 31, 2013 – Sa Italya, nasasaad sa batas ang obligasyong gumawa taun-taon ng dichiarazione dei redditi o tax return ng lahat na tumatanggap ng sahod, kahit pa bilang self employed o bilang empleyado, tulad ng mga colf. Ang deklarasyong ito ay ginagawa sa estado at kumakatawan sa naging sahod sa isang buong taon. Halimbawa, ang sinahod sa taong 2011 ay kailangang i-deklara ng 2012, at samakatwid ang 730 o ang modello Unico 2012 ay tumutukoy sa kinita o kabuuang sahod ng taong 2011.
Batay sa idineklarang sahod, ay kinakalkula ang bahaging itinakda ng batas para sa pagbabayad ng imposte o buwis, samakatwid, ang mas malaking sahod ay kumakatawan sa mas malaking halagang ilalaan para sa estado. Ayon sa batas, ang sinumang hindi lalampas sa itinakdang halaga ng batas (halos 8,000 euros) ay walang obligasyong gumawa ng tax return o dichiarazione dei redditi.
Ang dichiarazione dei redditi, base sa uri ng form (730 o Unico) at sa uri ng trabaho, ay ginagawa mula sa buwan ng Abril hanggang Setyembre. Maaari pa ring gawin ito lampas sa itinakdang panahon ngunit mayroong angkop na multa, hanggang buwan ng Disyembre. Lampas sa panahong nabanggit ay itinuturing na ang deklarasyon ay hindi ginawa, o omessa.
Sa pagkakataong ito ay hindi ginawa (omessa) sa panahong itinakda ay pinapatawan ng administrative sanctions na nag-iiba batay sa araw ng pagkakaantala. Halimbawa, kung ang deklarasyon ay delayed ng higit sa 90 araw mula sa deadline o matapos ang buwan ng Disyembre, ang multa ay sa pagitan ng 120% at ng 240% ng kabuuang halaga ng dapat bayarang buwis, gayunpaman ay hindi bababa ng 258 euros. Kung ang pagkakaantala naman ay mas mababa sa 90 araw, ay maaaring bayaran ng boluntaryo ang multa na nagkakahalaga ng 25 euros (d.lgs. 471/1997).
Sa ilang mga kaso, kung ang sinahod sa isang taon ay mataas, ang kawalan ng dichiarazione dei redditi ay kumakatawan bilang penal case, na maaaring maging sanhi ng pagkakakulong mula 1 taon at anim na buwan hanggang 5 taon, base sa bigat ng ipapataw na pagkakasala. Itinutuirng na dapat parusahan ang hindi paggawa ng deklarasyon ng gross income na higit sa 77.468,53 euros, bukod sa hindi paggawa ng dichiarazione o ang hindi pagbabayd ng IVA para sa halagang higit sa 50.000,00 euros. Dapat ring parusahan ayon sa batas, ang pagwasak o ang pagtatago ng accounting files, gayun din ang mali o hindi totoong deklarasyon sa pamamagitan ng paggamit ng fake invoice o ng ibang dokumento ng mga non existing operation o scam (d.lgs. 74/2000).