Sa isang pag-silip sa mga ipinapangako ng dalawang partido sa kanilang pangangampanya, ay walang anumang nabanggit ukol sa mga regular na naninirahan o ukol sa ikalawang henerasyon. Lahat ay tila pagtugis sa krimen at mga kasunduan ukol sa pagpapatalsik at mga bilanggo.
Rome –Pebrero 1,2013–Sa nalalapit na eleksyon, sa Pebrero 24 at 25, ang Popolo della Libertà (Pdl) at ang Lega Nord ay inihayag ang kanilang parehong programa. Kanila itong inilathala sa website ng parehong partido, nag-iba lamang ang logo at ilang larawan sa unang pahina, ngunit ang nilalaman, bawat titik at letra ay parehong-pareho at walang ipinagka-iba.
Sa kanilang mga proposals, na binubuo ng 23 chapters, na dapat ay nakalaan ukol sa development, growth at modernization ng bansa “matutuklasang ang mga imigrante, para sa Pdl at Lega, ay pawang ilegal lahat. Walang anumang nabanggit ukol sa 5 milyong naninirahan, nagta-trabaho, nag-aaral ng regular sa Italya. At ni katiting na salita ukol sa 1 milyong kabataan, may reporma man o wala, ay magiging ganap na mga italyano.
Ang ukol sa mga dayuhang naninirahan sa Italya ay binanggit lamang sa chapter ng security (Sicurezza), at dalawang mahalagang puntos ang kanilang inilaan. Ang programa ay nangangako ng “tahasang pakikibakapara sapanuntunanngbatas, paglabansailegalnaimigrasyon, at mga krimen”. Isang "pagpapatibay ngbilateralagreement sa mga bansa para sapagpapatupadng mga patakaranng epektibongpagbabalik ngmgailegalnaimigrante atkilalanin ang mga bilateral agreement ng pagkakabilanggo sa mga sariling bansa”.
Ang hanapin ang mga ito gamit ang magnifying glass, sa katunayanay muling binanggit ang mga dayuhan, sa pagkakataong ito, ng mahusay, “isang politikangmagbibigay ng mga insentibo sa mga tourist visa”, ito ay dahil ayon sa Lega at Pdl, ay “bilang ating langis”.
Il programma del Popolo della Libertà