Cardinal Luis Antonio Tagle, kabilang sa mga “papabili”.
Rome – Pebrero 12, 2013 – Mayroong mga cardinals na sinasabing malaki ang pagkakataong maging successor ni Pope Benedict XVI? Ayon sa website Vatican Insider, isa sa mga matutunog na pangalan ay ang Austalian na si Christoph Schoenborn, ang Archbishop of Vienna. Ang Italian na si Angelo Scola, Archbishop of Milan ay isa rin sa pangalan ngunit ang mga naging balita ukol sa kanya kamakailan ay maaaring magpahina diumano sa mahalagang pagkakataong ito.
Tila mahina naman ang dalawa pang mga Italians na sina Monsignor Rino Fisichella at ang Archbishop ng Terni na si Vincenzo Paglia.
Samantala, kabilang din sa mga matutunog na pangalan bilang “papabile” ang Pilipinong si Luis Antonio Tagle, ang Amerikanong si Timothy Dolan, at ang Brasilianong mayroong German origin na si Odilo Pedro Scherer.
May pagkakataon rin ang French na si Marc Oullet, ang Italian na si Gianfranco Ravasi, ang Argentinian na siLeonardo Sandri, ang French na siJean-Luis Tauran at ang Ghanaian na si Peter Kodwo Appiah Turkson. May posibilidad din angCubanna siJaime Ortega at ang Argentinian na siMario Bergoglio. Ngunit ayon sa bookmaker, ang higit na malaki ang posibilidad ay siFrancis Arinze, na hindi maaaring maging bahagi ng Conclave, dahil sa edad na higit sa 80 anyos, ngunit maituturing pa ring ‘papabile’.
Paano ihahalal ang bagong Papa?
117 mga cardinals ang maghahalal ng bagong Papa sa susunod na buwan ng Marso. Sa kasalukuyan, katunayan, ang mga cardinals na may edad na hindi lalampas sa 80 ay 118, ngunit ang Ucranian na si Husar ay lalampas sa itinakdang edad sa darating na Pebrero 26 at dahil dito ay mananatili lamang sa Capella Sistina, at hindi makakabilang sa Conclave maging ang Dean of the College of Cardinals na si Angelo Sodano at ang Vice-Dean na si Roger Etchegaray na higit sa 80 ang edad.
Tinanggal na ang paraan ng paghalal na tinawag na "per acclamationem seu inspirationem e per compromissum", ang paraan ng paghalal ng Roman Pope at magiging “unicamente per scrutinium", o ang pagbibilang sa mga boto, tulad ng naging desisyon ni Pope John Paul II sa "Universi Dominici Gregis" na bumago sa proseso ng pagpili ng Papa.