Maroni (Lega Nord), "Ius soli? Isang di-matatanggap na pagbabago sa sosyedad. "Storace (La Destra): "Magsalita sya para sa kanyang sarili. Ito ay wala sa programa, hindi kami ang partido ni Fini "
Roma – Pebrero 13, 2013 – Ang tila mahiyain at huling pagbubukas ng ex-premier sa reporma ng pagkamamamayan na magpapahintulot sa mga anak ng imigrante na maging ganap na Italyano ay matinding binatikos ng kanyang mga kaalyado. Hindi nakakagulat, dahil maging ang leader ng Pdl ay sinabi ito, ngunit isang bagay ang matitiyak sa ngayon…. kung muling mahahalal ang ‘destra’, ang ikalawang henerasyon ay tila walang mapanghahawakan at maaasahan.
Kahapon ay nagsalita si Roberto Maroni, secretary ng partido Lega Nord at kandidato sa Lombardy region: "Papanatilihin namin ang prinsipyo ng ius sanguinis: Ikaw ay Italyano kung anak ka ng Italyano at kung sa Italya ka ipinanganak”, paliwanag sa isang panayam ni Adn Kronos.
"Sa palagay ko – dagdag pa – na [ang ius soli ed] ay magiging isang di-matatanggap na pagbabago na magpapahintulot sa pagdagsa ng mga non-EU nationals, dahil kung ang anak ang ipinanganak sa Italya at magiging Italyano at magkakaroon ng karapatang bumoto, ano ang kanyang gagawin sa mga magulang? Ipababalik sa sariling bansa? Hindi. Pagkatapos ay ang family reunification para sa mga kamag-anak, at makalipas lamang ang ilang taon ay magkakaroon ng isang di-matatanggap na pagbabago sa sosyedad.
Isang posisyon na kinumpirma kahapon ng mga councilors Lega Nord sa Bologna. Ang delegation sa katunayan ay nagawang mag-protesta sa konseho sa botohan para sa honorary citizenship ng mga anak ng mga imigrante, habang ang Pdl naman ay bumoto ng kontra.
Kahit si Francesco Storace, ang head ng La Destra at kandidato din ng Pdl bilang presidente ng Lazio Region. '' Tama ang sinabi ni Berlusconi, 'para sa akin', hindi siya nagsabing 'naniniwala kami', dahil wala ang mga ito sa aming programa'. Sapat na sumanib sa partido ni Fini upang magtatag ng ganitong uri ng batas.'' Ayon kay Storace kahapon sa political broadcast sa Rai 2.
'' Sa aming programa – dagdag pa ni Storace – may mga bagay na mas mahalaga ukol sa imigrasyon. Mayroong isang mahalagang hakbang tayong haharapin: ang Halalan. Ang ating bansa ay naging bukas at tumanggap, sa mga nagbuhat sa Africa, sa sinumang nagugutom at sa sinumang walang makain sa kanilang bansa. Ngunit ang problema ngayon ay ang mga Italian families na pumipila na rin sa Caritas”.