Ang ‘payout’ ay buhat sa Minisrty of Interior para sa mga refugees, na simula sa Pebrero 28 ay kailangang lisanin ang mga ‘shelter’ o lugar na kumopkop sa kanila hanggang sa kasalukuyan. Bibigyan din sila ng travel document ngunit ang kanilang humanitarian permit to stay ay magagamit lamang sa trabaho sa bansang Italya.
Roma – Pebrero 20, 2013 – Halos sampung araw bago sumapit ang deadline ng extension sa shelter for refugees at asylum seekers para sa mga dumating sa Italya sa panahon ng Emergency – North Africa, mula sa Ministry of Interior ay mga paglilinaw ukol sa kanilang kinabukasan.
Ipinaliwanag ng Viminale, sa pamamagitan ng isang Circular, na ang Questura ay maaaring magbigay ng ‘travel document’ sa sinumang mayroong humanitarian permit to stay at hindi maaaring magkaroon ng pasaporte mula sa kanilang sariling bansa, matapos masuri ang hindi pagiging panganib sa public order. Ito ay isang uri ng dokumento na magpapahintulot upang makapag-biyahe sa ibang bansa sa Europa (Schengen area), ngunit para lamang sa 3 buwan at hindi maaaring magamit sa legal na pagtatrabaho.
Ukol naman sa mga non-accompanied minors na asylum seekers, ipinapaalam ng Ministry na mayroong pondo na nagkakahalaga ng 2,5 million euros upang i-refund sa mga prefecture at mga local entities. Maaari lamang bayaran ang mga gastusin ukol sa ‘hospiltality’ – mula sa pag proseso sa aplikasyon ng asylum hanggang sa pagtanggap sa mga Protection system for refugees and asylum seekers, sa kasalukyan ay humihingi ng additional fund mula sa Budget Ministry.
Sa Circular ay makikita na sa mga “pamamaraan upang maitaguyod ang paglabas ng bansa” ay kabilang din ang Assisted Voluntary Returns sa pamamagitan ng International Organization for Migration. At kung sakaling mayroong lalabis sa mga inilaang pondo sa huling dalawang buwang extension, ay gagamitin ito upang matiyak ang ‘hospitality’ sa mga itinuturing na ‘mahihinang’ kategorya, hanggang sa sila ay matanggap sa protection system.
Ang malaking bahagi ng mga refugees, ilang araw na lamang, ay kailangang lisanin ang mga Shelter. Ang Ministry of Interior ay naglaan sa bawat isa sa kanila ng isang ‘payout’ na nagkakahalaga ng 500 euros. Isang halagang hindi sapat para sa kinabukasan ng libu-libong katao na hindi dumaan sa isang proseso ng integrasyon. Isang katanungan: ilan sa kanila ang mga walang tahanan, walang sahod at iilang salita lamang sa wikang italyano ang alam, ang maaaring magpakalat-kalat sa lansangan o sa maraming Salaam Palace sa ating lungsod.
Circular – Ministry of Interior