Genova – Marso 13, 2013 – Gabing puno ng katuwaan, halakhakan at umaatikabong kantahan sa karaoke ang naudlot dahil sa katok ng isang kapitbahay na naki-usap na hinaan ng bahagya ang malakas na ugong ng karaoke. Ilang minuto lamang ang nakalipas, tatlong Pilipino ang nagsisipa sa pintuan ng kapitbahay.
Dalawang sasakyan ng pulis ang mabilis na nagtungo sa vico Inferiore di Sant'Antonio noong nakaraang linggo matapos ang report ng matinding away sa pagitan ng mga magka-kapitbahay.
Ayon sa report ng tumawag sa pulisya, ang mga Pilipino na nakatira sa ilalim ng kanyang tahanan ay madalas gumawa ng sari-saring ingay kahit anong oras ng umaga at maging sa gabi.
Noong nakaraang linggo, matapos pagtiyagaang marinig ang mga kantahan mula sa karaoke at ingay ng huntahan at katuwaan nang ilang oras, ay hindi na nakatiis sa ingay ng mga ito. Umakyat at nakiusap na bahagyang hinaan ang volume ng karaoke.
Ang mga Pinoy, ayon pa sa report, ay nagsimulang insultuhin ang kapitbahay at ilang minuto ang makalipas tatlo sa mga Pilipino ang umakyat at pinagsisipa ang pintuan ng tahanan ng nakiusap.
Ang pulisya ay nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga Pilipinong nagkakatuwaan at sa kasamaang-palad, isa sa mga ito, isang 36 anyos, ang undocumented o walang permit to stay at mabilis na dinala sa headquarters upang kilalanin.