in

Pilipinas bilang “Diving Capital of Asia”, itataguyod

Itataguyod ng Department of Tourism (DOT) ang underwater activities o diving sa bansa bilang bahagi ng pagpapaunlad ng turismo ng Pilipinas.

Maynila – Marso 28, 2013 – Isasabay sa World Underwater Federation's 13th Elective General Assembly na gaganapin sa Pilipinas, ang paglulunsad sa Abril 18-21 ng World DEEP (Dive Expo and Exhibition Philippines) ayon sa mungkahi ni DOT Secretary Ramon Jimenez.

Maraming dayuhang diver ang  nagsasabing ang Pilipinas ang "center of center" sa mundo pagdating sa underwater activities at dahil dito ay malaki ang potensiyal ng Pilipinas na maging "diving capital" sa Asya dahil sa maraming lugar na maaaring sisirin, ayon kay Benedict Reyes, presidente ng Philippine Association on Underwater Activities (PAUA) at Board member ng Asian Underwater Federation.

Sa nalalapit na April 17-23, ayon pa kay Reyes ay tinatayang 150 lider ng underwater federation sa buong mundo ang dadalo sa gaganaping World Underwater Federation General Assembly sa Mactan, Cebu.Ito  ang unang international dive expo sa Pilipinas at inaasahang magandang pagkakataon para maipagmalaki ang magagandang dive sites sa bansa.

Aniya napakarami pang maaari pang dapat tuklasin at paunlarin bilang mga potential dive sites sa bansa ang hindi pa napupuntahan, bukod sa mga kilala nang diving sites sa northern Luzon, Southern Tagalog, Visayas at Mindanao.

“The Philippines is one big dive site,” bigay-diin ni Reyes, at naniniwalang mapapahanga ang mga opisyal ng Confederacion Mondial des Activites Subaquatiques o ang World Underwater Federation,  ang kauna-unahang international dive agency sa mundo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ating Mas Kilalanin, WILFREDO FRANCO PUNZALAN

Enrollment sa mga nursery school, simula na