in

Minimum wage 2013

Ang minimum wage ng mga colf at caregivers ay sumasailalim sa mga pagbabago taun-taon, batay sa pagbabago ng tinatawag na cost of living.

Roma – Abril 8, 2013- Ang mga bagong halaga bawat taon ay itinatalaga ng national committee na binubuo ng mga asosasyon ng employers at mga union sa Ministry of Labour at Welfare.

Ang mga halaga ay itinatalaga batay sa antas ayon sa National Collective Labor Contract para sa domestic job.

Nagsisimula sa unang antas o level A ng mga colf, at matapos ang isang professional formation, ay maaaring mag-aruga sa mga non-bedridden o non autosufficienti o level DS. Mayroong pagkakaiba sa mga nakapisan o nakatira sa employer (conviventi) kahit part-time, sa mga hindi nakatira sa employer at ang mga pang-gabi o night shift. Mayroon ding mga bagong itinalagang halaga sa board and lodging.

Matatagpuan dito ang detalyadong paglalarawan ng iba’t ibang lebel sa domestic job.

MINIMUM WAGE simula Enero 1, 2013

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Para sa mga itinakdang halaga sa nakaraan, matatagpuan sa website ng Minsitry of Labour and Welfare

Ang tinatawag na scatti di anzianità at ang superminimi ay itinutuirng na mga karagdagan sa minimum wage na itinalaga ng batas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang CUD ng mga colf, caregivers at babysitters

Filipinos in Milan hold D2D Echo Seminar