Ayon sa hukuman ng Milan ay hindi kinakailangan ang pagkakaroon ng carta di soggiorno upang matanggap ang pinansyal na tulong na tinatawag na indennità di accompagnamento o allowance para sa tagapag-alaga ng isang disabled. Ngunit mahalaga, gayunpaman, na ang pananatili sa Italya ay hindi occasional o short-term lamang. Ang tanggapan ng Inps ay hinatulang ibigay ang tulong sa isang disabled Peruvian.
Roma – May 16, 2013 – Hindi kailangan ang pagkakaroon ng carta di soggiorno para sa indennità di accompagnamento o allowance sa tagapag-alaga ng disabled. Maaari ding matanggap ang pinansyal na tulong ng mga foreign disabled nationals na nagtataglay lamang ng isang "normal" na permit to stay.
Ito ay kinumpirma ilang linggo na ang nakalipas ng Labour Court ng Milan, kung saan tinanggap ang apela laban sa INPS ng isang Peruvian citizen sa pamamagitan ng INAS CISL, na naglabas ng naging hatol.
Noong 2010 ay kinilala sa pamamagitan ng isang health committee ng ASL ng Milan bilang “disabled over-65 yrs old na nangangailangan ng permanenteng pag-aalaga", "at di kayang gampanan ang pansariling pangangalaga sa araw-araw”. At samakatwid, ay humiling ng indennità di accompagnamento, na tinatayang aabot sa 500 euros monthly buhat sa Estado.
Ang INPS, gayunpaman, ay tinanggihan ang aplikasyon dahil ang tulong ay nakalaan lamang diumano sa mga mamamayang Italyano, EU nationals at non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno. Isang pamamaraan na ayon sa Labor Court, ay tinanggal na sa 3 hatol ng Constitutional Court.
"Ang Peruvian – ayon sa sulat ng hukom – kahit na nagtataglay lamang ng permit to stay ay may karapatang makatanggap ng indennità di accompagnamento, at assegno di invalidità, kung kawlipikado at mayroong sapat na kundisyon ayon sa batas. Hindi kinakailangan ang carta di soggiorno upang matanggap ang mga serbisyo at maaaring lamang hadlangan kung ang pananatili ng dayuhan sa bansa ay occasional at short-term lamang sa pamamagitan ng mga patunay”.
Ang Peruvian, sa madaling salita, ay hindi isang turista bagkus ay regular sa Italya at isang disable o invalida. Ang Inps, sa katunayan ay kailangang ibigay ang allowance para sa mag-aalaga. At sa lalong madaling panahon ay maaaring mapilitang ibigay din sa lahat ng mga imigrante na nasa parehong sitwasyon, tulad ng paliwanag ni Maurizio Bove, ang Immigration Officer ng CISL sa Milan: "Mayroon pang mga 30/35 mga kaso na katulad ipinadala na sa aming mga abogado para sa kanilang apela."