Sina Sibi Mani Kumaramangalam, Ghirmai Tewelde, Valerica Tarca at ang iba pang mga kandidato mula foreign origin ay hindi nahalal. At ang tinatawag na “ethnic votes”, ay walang katotohanan, dahil ang mga Romanians na maaaring bumoto sa local election, ay hindi naghalal ng kanilang kababayan.
Roma – May 30, 2013 –Mayroong mga new Italians sa Parliament, ngunit walang mga new Romans sa Kapitolyo (Campidoglio). Ang mga kandidato bilang konsehal sa Comune di Roma ay nakalikom ng kakaunting mga boto, at para sa ilan ay talagang mabibilang sa kamay na boto lamang.
Hindi nagtagumpay si Sibi Mani Kumaramangalam, buhat Indian origin, nag-iisa at natatanging new Roman na kandidato ng PD, at pinaka-kakaunting nalikom na boto sa listahan ng mga kandidato ng partido: 280 votes lamang, laban sa 9221 ni Estella Marina, ang pinakamaraming natanggap na boto ng partido. Ang "Pumili ng isang Italyano, ipaboto si Sibi.", na isa sa kanyang mga slogan, ay tila hindi nakatawag ng pansin.
Nakatuon din ang pansin kay Valerica Tarca, buhat Romanian origin, ng lista civica per Marino, na naghayag ng pagtanggap ng mga boto buhat sa kanyang mga kababayan. Sa loob ng 70,000 na naninirahang mga Romanians sa lungsod, 4,500 lamang ang nagpa-rehistro. At kakaunti lamang ang mga bumoto sa kanya, tinatayang 191 votes lamang (mga Romanians o Italians? Sino ang makakapagsabi?).
Samantala, ang isa pang Italo-Romanian na si Stella Camelia Enescu, kandidato ng Destra di Storace, sa kasalukuyan ay huminto sa 18 boto. O, sa pagbabago ng partido, ang kababayang si Iulian Bobe, kandidato ng Sinistra per Roma Rifondazione Comunisti Italiani, na napako rin sa 15 boto. Pati na rin si Valentina Ciobanescu ng Lista Alfio Marchini, ay nakalikom ng 29 votes lamang.
Ang pinakamaraming kandidato buhat foreign origin na mga new Romans ay ang Sinistra Ecologia Libertà: Ghirmai Tewelde, ipinanganak sa Eritrea at nakakuha ng 231 votes, Aziz Darif, isang Morrocan, 169 votes; Liliana Lao, buhat sa ikalawang henerasyon at anak ng isang Chinese, 135 votes.
Si El Hoseny Mohamed Lotfy, head ng "Egyptian Community in Rome and Lazio", tumakbo sa Lista Civica per Gianni Alemanno: ay nakatanggap ng 13 votes. Ang dating porn star na si Ilona Staller buhat Hungarian origin, isang imigrante? Ay kabilang na tumakbo rin sa listahan ng Partito Liberale, kasama ng anak na si Ludwig Koons: 31 boto sa kanya at 3 naman sa kanyang anak.
Ito sa kasalukuyan ang ating listahan. Ilang magandang balita marahil sa halalan sa mga munisipalidad, kung saan, habang isinusulat ang balitang ito, ay hindi pa pinal ang bilangan. Maraming mga kumandidato na imigrante sa mga munisipyo at marahil ay napuntahan isa-isa at mas madali ang magpakilala sa kanilang mga kababayan. Ngunit sa Kapitolyo, ay pagwawakas ng ating mithiing makapasok ang ilang kinatawan.