in

Ikalawang Pinoy Band Expo ginanap sa Roma

Rome, Mayo 31, 2013 – Mula sa Unique Entertainment at Filipino Musicians and Artists Guild ay nasaksihan na naman ang galing ng ating mga kababayan sa larangan ng musika. Matagumpay na giannap ang ikalawang yugto ng Pinoy Band Expo noong nakaraang ika-5 ng Mayo sa Teatro Volturno kung saan ilang bandang Pinoy ang nagpasiklab sa entablado ng kanilang mga sariling komposisyon na mga awit.

Hindi matatawaran ang hilig ng mga Pinoy sa musika kung kaya’t patuloy naman ang suporta ng mga dumalo buhat sa Roma Capitale, PIDA o Philippine Independence Day Association at Migrante Rome.

Matatandaang noong 2009 ay ginanap ang kauna-unahang Pinoy Band Expo sa pangunguna ng mag-asawang Jojo Villanueva at Vickie Paguio Custodio, ang administrator ng Filipino Musicians and Artists Guild. Layunin ng mga nabanggit na mahikayat ang mga Filipino artists sa Roma na palawigin ang kanilang talento sa musika, at magsilbing outlet ang ginawang pagdiriwang upang maipakita ang katangian ng musikero sa pamamagitan ng sariling komposisyon na mga awitin at ang maibahagi pagkatapos sa iba pang musikero ang pagmamahal sa musika.

Kasama sa mga nagtanghal ay sina Queencel, Roommates, Justin Almonte, ang bandang Acoustika,The Sessionist Band at ang Pinoy Band Expo 2009 Champion na 4th Session Band.

Umaasa ang pamunuan ng Unique Entertainment at Filipino Musicians and Artists Guild na patuloy na tangkilikin at susuportahan ang ating mga kababayang musikero lalo na ngayong pinaplano ang compilation ng mga awiting kanilang isinulat. (ni: Jacke De Vega)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Imigrante tatanggapin sa Public Administration, susubukan ng Italya

Isang buntis ng anim na buwan inaresto sa pagbebenta ng shabu