in

Bal David at Marlou Aquino, naglaro ng basketball sa Roma

Roma – Ginanap ang Jao’s Cup, isang One-day League Champ’s of the Champion noong nakaraang May 19 sa Tolive Sportscenter sa Roma kung saan naging panauhing pandangal ang mga PBA players na sina Bal “The flash” David at si Marlou “The skyscaper ” Aquino sa pangunguna ng mag-asawang Jeff at Karen Ocampo, sa tulong ni Ganie Pascual.

Apat na team ang naglaban-laban. Nag-champion sa final score na 63-69 ang San Paolo lbc Red Lion. First runner up ang Westcost Foreverliving Green Falcon; 2nd runner up ang Mancini GPII Blue Eagle at 3rd runner up naman ang Taalenos Triskillion Vulcanos.

Pinarangalan ng MVP si Jojo Mecha. Sina Russel Pangilinan, Kiko Galicia, Daryll Sandoval, E.J. Cabarubbia at Francis de Luna ang nanalo sa mytical five. Si Rodel Pangilinan ang pinarangalang best coach. Ang Mancini GPII EAGLE ang nanalong Sportmanship team at si Jam Gusto naman ang Sportmanship player.  

Nagkaroon ng 30 minutes exhibition game kung saan nakalaro ng mga local players ang mga panauhin.  Naglaban ang Paolo LBC Red Lion at Taalenos Triskillion Vulcanos kung saan kumampi ang mga legend players. Walang dudang nanalo sa exhibiton game ang Taalenos Triskillion Vulcanos.

 Wala pa ring kupas ang 2 PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito. Walang patid ang tilian at kinikilig na nagpa-picture ang mga kababaihan na halos maging hadlang sa exhibition game.

Sila ang kauna-unahang bisitang PBA players sa Roma kung kaya’t di naman pinalampas ng Ako Ay Pilipino ang isang esklusibong panayam sa mga ito.

Ayon kay Marlou, ang pagiging basketbolista ay kanyang nakahiligan dahil na rin sa kanyang taas. Ngunit hindi diumano awtomatikong nakakahiligan mula pagkabata ang laro. Bagaman malaki ang tulong ng pagiging mataas ay mayroong ibang katangian din tulad ng bilis at kisig na mahalaga rin sa paglalaro sa ibang posisiyon sa basketball, dagdag naman Bal. Gayunpaman, ayon kay Bal ay walong taon ito ng simulang maglaro dahil na rin sa may lahing basketbolista ang manlalaro.

Matapos ang pagreretiro sa PBA ni Bal at naglaro bilang point guard ng Barangay Ginebra Kings ay kasalukuyang coach ng Fern-C sa Philippine Basketball League (PBL). Si Marlou naman ay patawang sinabing nahilig mag-negosyo.

Masaya din diumano ang dalawa ay kanilang pagbisita sa mga Ofws sa iba’t ibang parte ng mundo di lamang upang magbigay aliw kundi magbigay din ng mga payo sa mga mahihilig na Pinoy sa basketball. “Mahalaga ang patuloy na pag-eensayo tulad ng 3 beses sa isang linggo,  walang bisyo, tamang diet, disiplina sa sarili, matiyaga at pagiging positibo.  Hindi madali at dapat dumaan sa hirap tulad ng lahat ng sports, upang marating  ang mga pangarap”, payo ng dalawa sa pagtatapos nito.

‘No comment’ naman kasabay ng matatamis na ngiti ang naging tanging sagot ng dalawa sa katanungang sino ang naging crush nilang celebrity…..

Lubos ang pasasalamat ng organizer sa mga sumorta sa kakaibang pagdiriwang na ito at inaasahan ang pagsuporta sa gaganaping Jao’s Cup sa Oktubre kung saan makakapiling ang iba pang PBA legend tulad nina Vince Hizon, Alvin Patrimonio, Jerry Cordinera at muli si Bal David.  (PG at JdV)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Aral muna, pagkatapos ay pagne-negosyo”

UEFA laban sa racism