in

Regularization – Council of State: Tamang tanggihan kung may warning buhat sa Schengen

Kung ang dayuhan ay naka-report sa Schengen Information System buhat sa ibang bansang kaanib ay hindi maaaring ma-regularized sa pamamagitan ng sanatoria.

Roma, Hunyo 20, 2013 – Sa hatol bilang 201302978 ng Pebrero 22, 2013 (inilabas noong May 31, 2013), ang Konseho ng Estado ay tinanggihan ang reklamo ng isang dayuhan, at binigyan ng katwiran ang Ministry of Interior na nagsumite ng apila ukol sa hatol bilang 201100305 na ipinapalabas ng T.A.R. Campania o Regional Administrative Court na magpapahintulot sa regularization sa isang dayuhan, sa kabila ng pagiging kabilang sa Schengen Information System.

Sa kasong ito, ang Questura di Salerno ay ipinag-utos na tanggihan ang request ng permit to stay ng dayuhan, matapos magsumite ng aplikasyon para sa Regularization noong 2009, dahil napag-alamang kabilang sa listahan ng Information System ng Spain na kasapi ng Schegen agreement.  Tinanggap ng Regional Administrative Court o TAR ang reklamong inihain ng dayuhan kung saan hinihiling na suriin ang katotohanan ng pagiging social threat ng dayuhan sa pamamagitan ng international consultation, at iwasan ang awtomatikong pagtanggap sa anumang warning o mabilisang pagtanggi.  Ang nasabing opinyon ay batay sa  unconstitutionality ng Artikulo. 1-Ter ng Batas 102/2009. Ang Interior Ministry, gayunpaman, ay itinaas muli ang isyu sa State Council na alinsunod sa art. 1-Ter, talata 13 ng parehong batas, na nagsasaad ng pagtanggi sa proseso ng regularization ng mga dayuhang mamamayang itinuturing na “inammissibili”, batay na rin sa internasyonal na kasunduan ng Italya.

Ang Board, na isinasaalang-alang ang mga responsabilidad buhat sa Schengen agreement ay tinanggap ang inihaing apila buhat sa Ministry of Interior at binibigyang-diin ang kailangang iwasan o limitahan ang mga kaso kung saan ang pagsusuri ay dapat gawin ng isang bansang kasapi sa Convention o gawing minimal ang involvement ng ibang bansa, upang sa gayon ay maiwasang mapawalang bisa ang layunin sa Schengen agreement. Lalong higit, ay tanggihan ang profile of unconstitutionality na nakita ng mga Administrative Court at sinasabing  isang paggalang sa mga internasyonal na pamantayan ang iwasan ang pagpapatupad sa mga admninistrative o giudicial measures sa mga dayuhan katulad ng talata 13 a) at c), ng pagpapatupad nito sa mga Italians.

Ang Hatol

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

12 Ambassador at isang consul general sa Gitnang Silangan, pinababalik sa Pilipinas

Pinay, huli sa pagnanakaw