in

Pinay, huli sa pagnanakaw

Roma, Hunyo 21, 2013 – Matapos gawin ang trabaho bilang colf, ay may ibang uri ng part-time si Kabayan. Sa kasamaang–palad ang nakabuking kamakailan sa ikalawang trabaho ng Pinay, 35 anyos, ay ang kanyang employer na ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay napuna ang ilang bagay na naglalaho sa loob ng kanyang tahanan. Ang Pinay, tinanggap sa trabaho noong nakaraang Nobyembre, sa katunayan, ay nailabas mula sa bahay ng employer hindi lamang ang ilang mamahaling alahas na gold at white gold bagkus pati cash. Matapos masiguro ng employer ang pagkawala ng mga ito ay lumapit sa pulisya at naghain ng reklamo sa Commissariato Spinaceto, sa Roma.

Ang mga imbestigador, upang malaman ang katotohanan at mahuli ang suspect sa masamang gawi ay pinainan ito ng perang nilagyan ng palatandaan at iniwang di nakatago sa loob ng tahanan ng employer. Inabangan ang paglabas ng Pinay sa kanyang trabaho at kinontrol sa paglabas nito. Tulad ng inaasahan, natagpuan ng awtoridad ang perang may palatandaan sa loob ng bag, kasama ang ilang alahas na gold at white gold.

Kinilala ng pulisya si D.V.M.O. at mayroong regular na permit to stay. Matapos aminin ng Pinay ang ginawang pagnanakaw ay kinasuhan ito ng salang pagnanakaw. Itinuro rin ng Pinay sa mga imbestigador kung saan niya ibinenta ang  ilang alahas.

Ayon sa mga report, tinatayang aabot sa 11,000 euros ang halaga ng mga nawalang pera at alahas ng employer.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization – Council of State: Tamang tanggihan kung may warning buhat sa Schengen

Pusher, itinago ang shabu sa sapatos