in

Mga pagbabago sa Influx at Regularization, kabilang sa decreto lavoro

Bago mag-aplay para sa pagpasok ng isang worker mula sa ibang bansa, ay kailangan munang maghanap at pumili sa mga walang trabaho sa Italya. Ibibigay ang permit to stay kung ang hiring ay natapos bago pa man tuluyang matapos ang proseso ng regularization o kung ang employer ay walang sapat na requirements.

Rome – Hunyo 28, 2013 – Tila mayroong mga mahalagang pagbabago maging ukol sa imigrasyon sa legislative decree o decreto legge ukol sa trabaho na inaprubahan kamakailan ng Gobyerno. Para sa  kumpirmasyon at mga detalye ay kailangang hintayin sa paglalathala nito sa Official Gazette, ngunit batay sa draft na nakarating sa Council of Ministries, ay kabilang ang mekanismo ukol sa influx, na kailangang maghanap muna sa mga walang trabaho na nasa Italya na, at isa pang pagkakataon sa maraming mga manggagawa na nakipagsapalaran sa nakaraang Regularization 2012, ngunit nanganganib na hindi magkaroon ng pina-pangarap na permit to stay.

Ang para sa influx o flussi, o ang pamamaraan ng legal na pagpasok ng mga manggagawa buhat sa ibang bansa, ay nasasaad na mula sa ngayon, bago isumite ang aplikasyon para sa pagpasok ng isang worker sa Italya ay kailangang suriin sa pamamagitan ng Centro per l’Impiego o Unemployment Center  “ang unavailability ng  mga manggagawa sa bansang Italya, at may angkop na patunay at dokumentasyon”.  Halimbawa, ang isang pamilya na naghahanap ng isang kasambahay o ang isang kumpanya na nangangailangan ng isang manggagawa ay kailangang patunayan na naghanap ng manpower sa mga walang trabaho (Italyano o imigrante) bago ang humiling ng isang worker mula sa ibang bansa.

Sa katunayan, ang ganitong uri ng pagsusuri ay nasasaad na sa Batas sa Imigrasyon (TU), ngunit hanggang sa ngayon ay nanatiling nakasulat lamang. Nasasaad dito, matapos ang pagsusumite ng aplikasyon, ay ipapadala ito sa Unemployment center na magpapakalat ng job offer sa Italya hanggang 20 araw. Kung mayroong isang walang trabaho na available ay ipagbibigay-alam ito sa employer.

Ang mga pamilya at mga kumpanya, gayunpaman, sa kabila ng availability ay ninanais pa rin ang pagpapapasok sa worker buhat sa ibang bansa dahil ang karamihan sa mga worker na opisyal na nais papasukin sa Italya ay ang mga irregular sa bansa, na maaaring nagta-trabaho na ng hindi deklarado sa employer. Samakatwid, ang sumunod na hakbang na dapat sana ay susundin ay tuluyan ng kinalimutan.

Magbabago rin ang programa ng pagpasok sa Italya para sa vocational course o para sa internship. Ang bilang ay itatakda tuwing ikatlong taon, hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo, sa pamamagitan ng dekreto ng Ministry of Labor, kasama ang Interior Ministry at Foreign Ministry. Habang hindi pa ipinatutupad sa unang pagkakataon ang dekreto, ang mga Embahada at konsulado ay maaaring magbigay ng entry visa sa sinumang mayroong requirements, ng walang limitasyon sa bilang.

Magkakaroon din ng mga pondo para sa “National fund for refuge of unaccompanied minors”, dahil nasasaad sa dekreto ang paglalaan ng  hindi nagamit na pondo para sa North Africa emergency. Isang magandang balita para sa mga Comune na tumanggap at nag-aaruga sa mga ito na sa mahabang panahon ay naghihintay ng pinansyal na tulong buhat sa estado.

Magandang balita rin para sa regularization, para sa maraming mga manggagawa na nanganganib dahil sa kakulangan ng requirements ng mga employer tulad ng hindi sapat na sahod na itinakda ng batas o ang kanilang pag-atras matapos maisumite ang aplikasyon.

Kung ang application ay tinanggihan  “dahil lamang sa katayuan ng employer” ngunit binayaran ang 1,000 euros, mga buwis at kontribusyon at ang worker ay mapapatunayan ang pananatili sa bansa mula noong 2011 ay maaaring bigyan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. Ito ay balido ng isang taon at maaaring i-convert sa trabaho kung makakakita ng trabaho ang worker.

Ang dekreto ay tumutukoy din sa mga pagkakataong ang hiring ay natapos, sa pamamagitan ng pagtatanggal sa trabaho o ang pagbibitiw sa trabaho, bago pa man tuluyang matapos nag proseso ng regularization. Hangga't mayroong katibayan ng pagnanatili sa Italya mula noong 2011, ang manggagawa ay maaaring magkaroon ng isang permesso di soggiorno per attesa occupazione, o kung mayroong bagong employer, ay direktang permesso di soggiorno da lavoro. Ang employer na nagsumite ng aplikasyon ay nananatiling dapat bayaran ang anumang buwis at kontrbusyon hanggang sa pagtatapos ng hiring.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng Kalayaan 2013, ipinagdiwang sa Milan

Reporma ng Pagkamamamayan – Pagsusuri sa mga panukala, sinimulan