in

Reporma ng Pagkamamamayan – Pagsusuri sa mga panukala, sinimulan

Unang commission hearing ng constitutional affairs. Chaouki (PD): "Ako ay nagtitiwala, may mga kondisyon para sa isang pagkakasundo"
Rome – 28 Hunyo 2013 – Tila nabubuhay ang pag-asa ng reporma sa pagkamamamayan ng ikalawang henerasyon sa Parliaymento.

Kaninang umaga ay sinimulan ang pagsusuri sa iba’t ibang mga panukalang isinampa sa Montecitorio ng Constitutional Affairs Commission ng Kamara. Bilang speaker ay napili sina Democratic Party Deputy Gianclaudio Bressa at si Popolo della Libertà Deputy Annagrazia Calabria, na may layuning tapusin ang diskusyon hanggang katapusan ng Hulyo at iakyat sa Parliyamento.

Hindi ito magiging madali, ngunit batay sa mga paghahambing na sinimulan ng Immigration and Asylum Parliament Intergroup ay tila posible ang pagkakaroon ng puntos kung saan maaaring magkasundo at samakatwid isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga partido. May mga panukala mula sa lahat ng partido, maliban sa Lega Nord, upang maging ganap na Italyano ang anak ng mga imigrante at lahat ng partido ay pinapahalagahan ang haba ng panahon ng pagiging residente ng mga magulang pati na rin ang pagpasok sa eskwlahang Italyano ng mga kabataan.

Si PD Deputy Khalid Chaouki, ang founder ng grupo at ang lumagda ng isang panukala sa reporma, ay matibay ang paniniwala.

"Mayroong positibong klima sa kasalukuyan sa Parliayamento at sa bansa ukol sa tema ng karapatan ng pagkamamamayan, kami ay naniniwalala at nagtitiwala sa pagkakaroon ng mga kundisyon upang magkaroon ng iisang pananaw upang malampasan ang ‘ius sanguinis’. Ang Italya – ayon pa kay Chaouki – ay nagbago na at sa lalong madaling panahon ay kailangang i-update ang lehislasyon upang gawing mas madali at tama ang pamumuhay ng mga New Italians. Ganap na mga Italyano ngunit sa katunayan, sa maraming mgapagkakataon, ay nananatili pa ring mga dayuhan ayon sa batas "

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga pagbabago sa Influx at Regularization, kabilang sa decreto lavoro

National Office against Racial Discrimination (UNAR) – Italy