Ipatutupad ang mga bagong patakaran ng Dectreto Lavoro o Batas sa Paggawa, at mayroon ding mga pagbabago sa pagsusuri ng kita/sahod, medical certificates at suitable housing certificate. Ang mga indikasyon buhat sa Ministry of Interior at Labor.
Rome – Hulyo 12, 2013 – Ang regularization, na simula pa lamang ay inaasahang magbibigay ng permit to stay sa marami, ay nilalawakan ang mga panuntunan. At bukod sa mga bagong batas at bagong pamamaraan, ay nagkaroon ng higit pang pag-asa ang napakaraming mga banyagang manggagawa na nagnanais na maging regular.
Lahat ng ito ay ipinaliwanag sa
Circular na ipinadala kamakailan ng Ministries ng Interior at Labor sa mga Prefecture at ang Regional Office of Labor.
Una sa lahat, ay binanggit dito ang mga "black list" na kung saan maraming mga employer ang napabilang dahil sa pagsu-sumite sa nakaraan ng application para sa direct hire o para sa regularization at pagkatapos ay hindi itinuloy ang pag-e-empleyo. Hanggang sa ngayon ang ganitong sitwasyon, ay awtomatikong reject dahil sa
negatibong opinyon mula sa Labor Regional Office.
Samantala, ang Circular naman ay humihingi ng paliwanag sa mga employer sa naging pangyayari sa nakaraan upang suriin ang bawat kaso at ang mga kadahilanan nito. Ang mga ito ay “isinasaalang-alang alinsunod sa prinsipyo ng tapat at makabuluhang dahilan”, ang DTL ay “muling susuriin nang maayos” at maaari ring mabago ang opinyong ipinahayag sa nakaraan.
Kung ang application ay tinanggihan "dahil lamang sa katayuan ng employer”, ang mga kontribusyon ay nabayarang lahat, at mayroong patunay ng pananatili sa Italya noong 2011, sa worker ay ibibigay ang “permesso di soggiorno per attesa occupazione” na balido ng isang taon. Ang panuntunang ito ay para rin sa mga application na tinanggihan sa mga nakaraang buwan, samakatwid sa ngayon ang mga Sportelli Unici ay kailangan muling tawagin ang mga worker, isang paraang tila mahirap gawin, dahil maaaring ang mga tinanggihan ay hindi na muling magpakita.
Batay pa rin sa nasabing bagong batas, kung ang hiring ay natapos bago pa man tawagin ng Sportello Unico per Immigrazione, ng worker ay maaring magkaroon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. At kung sa pagpunta sa Questura para sa fingerprinting ay mayroong bagong employer, ay ipapakita lamang ang kopya ng “comunicazione d’assunzione”, ay maaaring magkaroon agad ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato.
Naging mas magaan at malawak din ang pagsusuri sa sahod o kita ng sinumang nagpadala ng aplikasyon para sa regularization para sa domestic jobs.
Kung kinakailangang ‘pagsamahin ang mga sahod ng mga miyembro ng pamilya’ at ang DTL ay nagbigay ng isang parere positive con riserva dahil sa hirap itong masuri, ang Sportello unico ay maaaring kontrolin ang mga dokumentasyon ukol sa sahod na idadagdag upang matanggal ang pagiging ‘riserva’.
Bilang karagdagan, sa kaso ng pag-e-empleyo nang higit sa 1 worker, ay hindi dapat gawin ang "isang awtomatikong pagmo-mutiply sa sahod (hal 20,000 para sa isang domestic worker, 40,000 para naman sa dalawa), ngunit ang DTL ay kailangang suriin ang sitwasyong pinansyal o kabuuang sahod ng employer sa bawat kaso.
Para naman sa regularization ng isa o higit pang caregivers, kung saan wala ang requirements ng sahod o kita para sa hiring, ngunit ang pangangailangan ng asistensya ay kailangan namang dokumentado sa pamamagitan ng ‘pagkilala sa invalidità civile, sa pamamagitan ng certificate buhat sa family doctor na nakatala sa NHS. Ang kawalan ng certification na ito, ay ang magiging simula naman ng pagsusuri sa sahod ng employer.
At sa wakas, ay tinanggal ang isang balakid. “Ang kawalan ng idoneita alloggiativa – paliwanag ng Circular – ay hindi magiging hadlang sa regularization”."Ito ay dapat na hiniling na, "ngunit hindi ito maaaring ituring bilang dahilan ng pagtanggi." Kaya kung nagtataglay ng ibang requirements, ngunit ang bahay ng worker ay maliit, ay maaari pa ring magkaroon ng permit to stay.