in

Calderoli: “Kyenge, orangutan?”

Isang kaguluhan matapos ang pananalita ng dating Ministro ng Simplification sa isang okasyon ng Lega Nord kung saan muling binatikos ang Ministro ng Integrasyon. Nagkakaisa para sa angkop na kaparusahan mula sa social network. Ang galit ni Letta “Hindi na ito matatanggap”. Ang PD ay hinihingi ang pagbibitiw. “Isang pakikiisa” buhat sa Pdl.

(BG), luglio 15, 2013 – Inatake muli ng Lega Nord ang Ministro ng Integrasyon, Cècile Kyenge. “Kapag nakikita ko sya, naiisip ko ang isang orangutan," ayon kay Roberto Calderoli, VP ng Senado at dating Ministro para sa Simplification, mga salitang binitawan sa isang okasyon ng Lega kung saan mayroong 1500 katao, dalawang araw bago ang pagbisita ng Ministro ng Integrasyon sa Bergamo: habang may pinalilipad na helicopter na may nakasulat na: “Stop ai Clandestini”. 

 
Bukod dito ay sinabing nararapat na maging Ministro si Kyenge sa kanyang bansa: “At sya ang nagbibigay ng pangarap na Amerika sa mga iligal na imigrante na nagpupunta dito sa ating bansa”. Dahil dito ay hindi maiiwasan ang muling pagsabog ng galit lalong higit sa social network. Sama samang suporta, sa pangunguna ni Enrico Letta na nagbibigay lakas ng loob sa Ministro: “Sige lang Kyenge, diretso sa iyong magandang hangarin, kami ay iyong kasama!
 
Tunay na hindi na matatanggap ang lubos na pananalita ni Calderoli. Ang PD ay hinihingi ang kanyang pagbibitiw bilang VP ng Senado sa pangunguna ni Khalid Chaaouki, habang ang Pdl naman ay nagpapahiwatgi ng pakikiisa at pagiging kaagapay ng Ministro. 
 
Samantala, ang replay ng nasabing okasyon ay hindi naman huling ipinalabas. “Sa aking pakikinig sa mga salitang ito, ay nakaramdam ako ng panghihina – ayon kay Kyenge – Kailangang gamitin ang exposure upang magbigay ng constructive criticism. Ang sinumang nasa posisyon o isang leader, ay kailangang gamitin ang kapangyarihan upang maging isang oposisyon para sa isang komrontasyon at dyalogo. Welcome ang mga constructive criticism, habang ito ay batay sa katotohanan, may basehan at hindi isang pang-iinsulto lamang.'' Ukol sa pagbibitw na hinihingi kay Calderoli, ayon kay Kyenge sa isang panayam ng Adnkronos ay hindi manggagaling sa kanya ang desisyon para sa isang personality ng Lega ngunit inaanyayahan nya na magkaroon ng isang pagsusuri sa partido ukol sa uri ng political message na kanilang nais ibahagi sa sambayanan”. 
 
''Ang isang inisyatiba sa politika– paliwanag pa ni Kyenge – ay maaaring hindi sang-ayunan ng lahat, ngunit ang gamit ng pananalita ay isang napakahalagang bagay. Ngunit tulad ng palagi, ay tinitingnan ko ang kalagayan ng bawat tao. Ito ay ukol sa isang bansa na dapat humanap ng tamang pananalita ukol sa pamumulitika, at batay lamang sa politika at hindi isang pang-iinsulto sa katauhan, isang panunutya ”. 
 
''Lahat tayo ay may pananagutan sa bansang Italya na magsalita at ihatid ang isang uri ng lingauheng malinis at tumpak at lalong higit walang paglalapastangan sa kapwa”, ayon sa Ministro na hinihingi sa lahat ang pagsusumikap sa isang komunikasyon: “Kailangang pag-isipang mabuti ang komunikasyon ng sinumang nasa posisyon at namumulitika”. 
 
Sa isang panayam ng Radio Capital, ay naghahanap si Calderoli ng lusot at walang hangaring humingi ng paumanhin. “Isa lamang iyong biro at isang uri ng aking simpatiya.  Walang nais ipahiwatig na ‘laban’ ngunit isa sa aking mga expression”. Simpatiya na sabihing ang isang babae ay kamukha ng orangutan? ''Hindi ko ikinumpara – inulit ni Calderoli – ang aking sinabi ay hindi iyon ang kahulugan…”
Dagdag pa rito, siya ay nagpaliwanag,''kumpara sa kung anuman ang sinabi sa akin sa nakaraan ay kulang pa rin ito … ".
 
Reaksyon. Ang kahilingan ng pagbibitiw bilang bise-presidente ng Senado ni Calderoli ay inilunsad sa facebook ni Nicola Zingaretti (PD) at sinundan ng isang kumpirmasyon ni Guglielmo Epifani: "Ang mga sinabi ni Calderoli ay walang katumbas na salita at hindi nararapat na pag-isipan. Ito ay nagpahiwatig sa isang problema na kailangang harapin. Kasama ang lahat ng democrats at lahat ng mga Italians, ako ay kasama ni Kyenge” Si Anna Finocchiaro ay ipinangakong “ngayong araw na ito ang PD sa Palazzo Madama ay haharapin si Calderoli. Samantala, ay kailangang humingi ito ng paumanhin sa Minsitro. 
 
Sunod-sunod ang mga pahiwatig na pakikiisa kay Ministro Kyenge.  “Bulgar na pananalita, hindi makatao at walang galang sa institusyon”, tulad ng isinulat sa Tweeter ng Pangulo ng Kamara na si Laura Boldrini. “Hindi matatanggap na pang-iinsulto sa isang bansang moderno, demokratiko at makatao”, ayon naman sa Pangulo ng senado na si Pietro Grasso. 
 
Si Deputy Prime Minister Angelino Alfano, ay tinawagan si Ministro Kyenge upang ipahayag ang buong pakikiisa at pagiging kasama nito maging ang mga kasapi sa Pdl laban sa mga natanggap na masakit na salita. “Walng partido o opinyon sa bawat tema ang maaaring magbigay katwiran sa mga binitawang salita”. 
 
''Si Calderoli sa pagkakataong ito ay lumampas sa limitasyon, dapat humingi ng paumanhin”, ayon kay Michaela Biancofiore (PDL), Kalihim sa Civil Service na may responsibilidad sa Sport na, gayunpaman, ay hindi sumasang-ayon sa kahilingan para sa pagbibitiw ni Calderoli.
 
"Porcellum, pagkatapos ay t-shirt na may antiislam na pang-iinsulto, ngayon ay isang kahihiyan ng mga salita naman kay Kyenge. Si Calderoli ay hindi maaaring kumatawan sa Parliament" ayon sa lider ng Sel na si Nichi Vendola. "Ang kanyang insulto kay Minister Kyenge ay kahihiyan ng Italya," ayon naman sa pangulo ng Verdi an si Angelo Bonelli. Para sa kasapi ng Lega na si Matteo Salvini sina Kyenge ay Boldrini ay mapanganib na dapat labanan gamit ang utak at hindi ang masasakit na pang-iinsulto”. 
 
Nakatanggap rin ng pakikiisa ng Unione delle Comunità Ebraiche Italiane. Ang pangulo na si Renzo Gattegna ay sinabing "ito ay pang-iinsulto sa institusyon at sa buong sambayanan ": "Sa mga mabibigat na pangungusap tulad nito ay hindi maaaring maunawaan. Tanging isang malalim at mabigat na pakiramdam at kahihiyan mula sa taong nagsabi nito”. 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regolarizzazione più semplice. Ecco cosa cambia

Imigrante sa Public Administration, aprubado sa Senado