in

Consultative Body: “Administrative evaluation maging sa mga dayuhang may kamag-anak sa Italya”

Ito ay itinalaga ng Constitutional Court matapos ideklara ang pagiging unconstitutional  o labag sa batas ng artikulo 5, talata 5 ng Legislative decree noong July 25, 1998 n. 286.

Roma, Hulyo 22, 2013 – Ang administrative evaluation ukol sa entry, permit to stay at pagpapatalsik sa dayuhan ay hindi dapat gawin lamang sa mga mayroong karapatan sa family reunification o sa pamilyang muling nabuo sa pagpasok sa bansa ng mga miyembro nito bagkus maging sa mga dayuhang mayroong kamag-anak sa bansang Italya.

Ito ay itinalaga ng Constitutional Court matapos ideklarang unconstitutional ang artikulo 5, talata 5 ng Legislative decree ng uly 25 1998 bilang 286 (Disposizioni sull'ingresso, il soggiorno e l'allontanamento dal territorio dello Stato) kung saan nababanggit ang masusing pagsusuri sa mga dayuhang mayroong karapatan sa family reunification gayun din sa mga pamilyang muling makakapiling dahil sa family reunification at hindi sa mga dayuhang “mayroong kamag-anak sa bansa”.

Ito ay sumasailalim sa pagsusuri ng Korte mula sa isang hatol ng pagpapawalang-bisa sa dekreto na ipinagtibay noong Abril 2, 2012 ng Questura di Venezia, kung saan ay tinanggihan ang aplikasyon ng EU national, upang ma-renew ang permit to stay bilang self employed.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SONA 2013

Trust rating ni PNoy, tumaas ng 5% ayon sa Pulse rating